Landbank

Landbank nakapagpa-utang ng P1B sa mga magsasaka ng sibuyas

117 Views

NAKAPAG-PAUTANG ang Landbank of the Philippines ng mahigit P1 bilyon para matulungan ang mga magsasaka ng sibuyas.

Ayon sa Landbank mayroon pang P102.9 milyong na nasa proseso.

Ang sibuyas ay isang high value crop na nasa ilalim ng Landbank Sulong Saka Program.

Sa ilalim ng programa ang mga magsasaka ay maaaring mangutang ng hanggang 90 porsyento ng kanilang production cost. Ang mga small and medium enterprises (SMEs), kooperatiba, asosasyon ng magsasaka, non-government organizations (NGOs), countryside financial institutions (CFIs), at mga katulad nito ay maaari namang mangutang ng hanggang 80 porsyento.