Calendar

Lansangan patungo Rizal Park isasara sa Araw ng Kalayaan
ISASARA sa daloy ng trapiko ang magkabilang linya ng Roxas Boulevard mula Buendia hanggang P. Burgos Drive mula alas-5 hanggang alas-11 ng umaga upang bigyang daan ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Rizal Park sa Hunyo 12, 2025.
Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) isasara rin sa daloy ng trapiko ang Bonifacio Drive mula P. Burgos hanggang Anda Circle,TM Kalaw mula Taft Avenue hanggang Roxas Blvd., P. Burgos mula Taft Ave. hanggang Roxas Blvd., Finance Road mula Taft Ave. hanggang P. Burgos Drive, at Maria Orosa mla T.M. Kalaw hanggang P. Burgos Drive.
Ang kahabaan naman ng Katigbak Drive, Independence Road, at South Road ay isasara rin sa daloy ng trapiko mula alas 12;01 ng madaling araw hanggang alas-11:30 ng umaga.
Inaabisuhan ang mga apektadong motorista na gumamit ng alternatibong daan patungo sa kanilang paroroonan.
Ang mga magtutungo sa hilagang bahagi na manggagaling sa Roxas Blvd ay kailangang kumanan sa Buendia, kaliwa sa Taft Avenue, patungo sa kanilang destinasyon o kaya ay kumanan sa EDSA, kaliwa sa Osmena Highway.
Ang magtutungo naman sa katimugang bahagi mula R-10 patungong Anda Circle ay kailangang kumaliwa sa Soriano Avenue, kanan sa Solana St., kaliwa sa Muralla St. kaliwa sa Magallanes Drive at kanan sa P. Burgos Avenue, patungo sa destinasyon.
Sa mga truck namang magtutungo sa North Harbor, mula SLEX ay kailangan nilang dumiretso sa Osmena Highway, kanan sa Quirino Avenue, diretso sa Nagtahan St. patungong Lacson Avenue, kaliwa sa Yuseco St. diretso ng Capulong St. kanan o kaliwa ng R-10 patungo sa kanilang destinasyon.
Sa mga truck na magmumula Paranaque area, kailangan nilang kumanan sa EDSA patungong Magallanes Service Road, kaliwa sa Osmena Highway, patungong Nagtahan at Lacson Avenue, patungo sa destinasyon.
Ayon kay MMDA Chairman Atty. Don Artes, magtatalaga sila ng 1,100 na tauhan mula sa iba’t-ibang tanggapan upang tumulong sa pagsasa-ayos ng daloy ng trapiko at mag-monitor sa sitwasyon sa lugar.
May mga ide-deploy ding mga ambulansiya, tow trucks, barriers, plastic cones, at iba pang gamit ang MMDA upang matiyak na magiging mapayapa at maayos na gaganaping pagdiriwang.