Almeda Kuya Lanz Almeda

Lanz Almeda kuya ng lahat!

288 Views

KUYA ng lahat, yan ang taguri kay KUYA LANZ ALMEDA.

Kilala sa buong Distrito 2 ng Caloocan City si Kuya Lanz Almeda sa pagiging matulungin at maawain sa mga nangangailangan, higit sa lahat sa mga may-sakit, matatanda at mga bata.

Nagsimulang maging serbisyo publiko nuong taong 2018 bilang nahalal na Punong Barangay ng Barangay 43, Sona 4, Distrito II ng Lungsod ng Caloocan.

Sa kanyang taglay na liderato, siya ay nahalal na Pangulo ng Liga ng mga Barangay sa Lungsod ng Caloocan at tumayong kinatawan ng 188 barangays sa Konseho ng Caloocan.

Hindi lamang sa lokal kinilala ang pagiging lider ni Kuya Lanz Almeda.

Siya din ay nahalal bilang National Auditor ng Liga ng mga Barangay sa buong Pilipinas.

Sa personal na aspeto, si Kuya Lanz ay isang batang-batang businessman o negosyante.

Nagmula sa pamilyang marangal at may takot sa Diyos, nagtapos siya ng ng kursong Bachelor of Arts in Political Science sa De La Salle University at patuloy na kumukuha ng mga short courses at kasanayan sa aspeto ng local governance.

Sa kanyang marubdob na layuning makapag-lingkod sa kanyang nasasakupan, kahit pa sa panahon ng pandemya, sinikap niyang makapaghatid ng tulong sa mga pamilyang apektado ng coronavirus disease-19 (COVID-19).

Mula sa kanyang personal na kinikita, sako-sakong bigas, kahong-kahong delata at mga gamot ang kanyang naipamigay bilang pantulong sa mga pamilyang nag-positibo sa COVID-19.

At hindi alintana ang nakahahawang virus, personal na bumibisita si Kuya Lanz sa mga may-sakit na mamayan ng Caloocan upang maghatid tulong hindi lamang pinansyal kundi maging gamit pang medical tulad ng nebulizer, wheelchair, bloodpressure, tungkod at mga gamot.

At patuloy pa din ang kanyang pagsasagawa ng mga feeding programs sa ibat-ibang barangay sa Distrito II ng Caloocan.

Sa kanyang munting kakayahan siya rin ay tumulong sa local na administrasyon sa panahon ng pagharap sa pandemya kung kaya’t ang kanyang mga nagawa ay binigyan ng pagkilala ng adminsitrasyon ni Mayor Oscar Malapitan.

Naging bahagi din si Kuya Lanz ng konseho sa pag-aapruba at pagpapasa ng mga batas at resolusyon na kinakailangan para sa kapakanan ng mamamayan ng Caloocan at para sa pag-unlad ng buong kalungsuran.

Siya ang kasalukuyang taga-pangulo ng Committee on Barangay Affairs at miyembro ng sari-saring mga komite sa konseho.

Ang kanyang liderato ay kinikilala ng mga grupo at organisasyon sa lahat ng sektor ng mamayan sa Caloocan kung kayat marami sa kanila ay kinukuha siya bilang adviser.

Labis ang pagmamahal kay Kuya Lanz ng mga mamayang kabilang sa LGBTQ, mga tricycle drivers, senior citizens, mga kabataan, mga elderly, PWDs at marami pang iba.

Sa kasalukuyan, hindi natitinag ang pagtulong ni Kuya Kanz sa mga nangangailangan kung kaya’t ang kanyang pangalan ay madalas na sinasambit ng mga mamamayan.

Sa kanyang taglay na kabataan, liderato, pagmamahal sa mahihirap at nangangailangan at sa kanyang taos pusong pagmamahal sa mamamayan, tunay nga na si Kuya Lanz ang bagong lider ng henerasyon, ang magsusulong ng pagbabago sa lungsod ng Caloocan.