Ronda

LBC Ronda aarangkada na

Robert Andaya Feb 23, 2022
337 Views

MAY kabuuang 13 teams ang nakatakdang lumahok sa gagawing pagbabalik ng LBC Ronda Pilipinas simula Marso 11 sa Sorsogon City hanggang Marso 22 sa Baguio City.

Idedepensa ni George Oconer ng top davorite Navy Standard Insurance sa naturang 10-stage race ng taunang cycling spectacle, na nasa ika-11 taon na.

Magpapakitang gilas din si 2019 champion Ronald Oranza kasana ang iba pang matikas na Navy squad ba bin6buo nina El Joshua Carino, Ronald Lomotos, Junrey Navarra, John Mark Camingao, Esteve Hora at Jeremy Lizardo.

Ang iba pang mga tampok na teams ay ang Go for Gold, na pangungunahan nina Dominic Perez, Jonel Carcueva at Boots Ryan Cayubit; Excellent Noodles, na papatnubayan nina Santy Barnachea and Jan Paul Morales; Philippine Army, Team Nueva Ecija, Dreyna, Eagle Cement, Champ Café, Bike Kings Laguna, Vantage Ilocos Norte, VPharma, Team Quezon Province at Team Ilocos Sur.

Aabot sa halagang P3.5 million ang nakataya bilang nga cash prizes, na kung saan ang P1 million ay iuuwi overall individual champion, P400,000 sa runner-up and P200,000 sa second runner-up.

Ang team champion at tstanggap naman ng P200,000 muka race organizer by LBC Express, Inc. at sponsor Sports Foundation.

Sumusupirta din sa naturang karera ang Quad X, Twin Cycle Gear, Standard Insurance, Print2Go, Elves Bicycles, Elitewheels, Orome, Maynilad,Garmin Petron Boy Kanin, Green Planet Bikeshop, Prolite, Black Mamba, Lightwater at LBC Foundation.

May basbas ang karera ng PhilCycling and Games and Amusements Board.

Ang Stage One Individual Time Trial at Team Time Trial ay papalo sa Marso 11 sa Sorsogon kasunod ang 163-kilometer Sorsogon-Legazpi City Stage Three sa Marso 12 at 189.1km Legazpi-Daet Stage Four sa Marso 13.

Susundan ito 212km Daet-Lucena Stage Five sa Marso 14 at 157.4km Lucena-Tagaytay Stage Six sa Marso 15.

Matapos ang one-day break, muling aarangkada ang Ronda sa 180.4km Tarlac-Baler Stage Seven sa Marso 17, 174.4km Baler-Echgue, Isabela Stage Eight sa Marso 18, 193.2km Santiago, Isabela-Baguio Stage Nine sa Marso 19 at Baguio City Stage 10 criterium sa Marso 20.