Leachon

Leachon binira ng mga kongresista

Mar Rodriguez May 11, 2026
18 Views

DUMARAMI ang mga kongresistang “bumibira” sa “public health expert” na si Dr. Tony Leachon dahil ss pag-atake kay Executive Secretary Ralph Recto.

Ayon kay House Deputy Majority Leader at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, mistulang “kulang sa pansin” si Leachon dahil para umano itong “sirang-plaka” na paulit-ulit sa mga akusasyon na walang basehan.

Pinayuhan ni Adiong si Leachon na ang atupagin na lamang nito ay ang kanyang mga pasyente sa halip na sumawsaw at umepal matapos nitong ipanawagan ang pagbibitiw ni Recto.

Hinihimok naman ni Manila Rep. Joel Chua na manatili na lamang si Leachon na nakatutok sa mga isyung medikal sa halip na maki-alam sa usaping pang-ekonomiya.

Ipinagtataka ni Chua kung bakit sumasawsaw si Leachon sa usaping pang-ekonomiya gayong hindi naman ito isang ekonomista.

Para sa Manila solon, mas makakabuti kung tutukan na lamang nito ang kaniyang sariling propesyon.

“Si Dr. Leachon ay hindi ekonomista kaya mas maigi na siya ay mag-focus na lamang sa kaniyang propesyon kung saan iyon talaga ang kanyang hanap-buhay.

Hayaan na lamang niya ang ekonomiya doon sa talagang ekonomista,” sabi ni Chua.