Calendar
LEDAC Bill inaprubahan na sa Kamara bago mag-adjourn para sa Holy Week
INIHAYAG ngayon ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez na inaprubahan na ng Kamara de Representantes ang 21 mula sa 31 panukalang batas na itinuturing na Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) bills na priority measure ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr.
Sinabi ni Speaker Romualdez na ang mga nasabing panukalang batas o LEDAC Bills na ipinasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ay nai-transmitt na sa Senado.
Ayon sa House Speaker, ang 31 LEDAC priority measures ay kolektibang tinatawag din bilang Common Legislative Agenda (CLA) ng Malacañang, Senado at Kamara de Representantes.
Kung saan, sinabi ni Romualdez na ang mga LEDAC Bills at hinango o binalangkas mula sa dose-dosenang “legislative measures” na inihain sa Mababang Kapulungan upang lalo pang palakasin, paunlarin ang ekonomiya, makalikha ng mga trabaho o job opportunities, mabawasan ang kahirapan at makapagbigay nh health care services para sa mga Pilipino.
Idinagdag pa ni Speaker Romualdez na mula sa 23 panukala na inaprubahan ng Kamara. Dalawa naman dito ang nilagdaam na ni Pangulong Marcos, Jr. bilang batas. Habang ang natitira pang walong pankala sa LEDAC priority kist ay nakasalang na para sa deliberasyon sa Kamara.
“We have done our share in passing important pieces of legislation that will help the country recover from the crippling impact of the COVID-19 pandemic and external shocks that adversely affect the economy and the nation,” ayon kay Speaker Rimualdez.
“That was our commitment during the series of meetings at LEDAC. That is our continuing commitment to the Filipino people,” dagdag pa ng House Speaker.