Robin

Legalisasyon ng diborsiyo umani ng suporta sa Senado

316 Views

UMAANI ng suporta ang kontrobersiyal na pagsasa legal ng Divorce sa Pilipinas sa Senado kung saan ay naniniwala ang mga senador na panahon na upang tanggapin ang katotohanan na may karapatan ang sinuman mamuhay ng matiwasay at masayang buhay kahit pa hindi nagtagumpay ang kanilang relasyon sa kanilang asawa.

Ayon kay Senador Robin Padilla na kinilala din Bad Boy of Philippine cinema, ang pagsasa legal ng diborsyo o divorce sa ating bansa ay pinag isipan aniya nia bilang isang pangangailangan na dapat harapin ng ating gobyerno upang bigyan pagkakataun muli ang sinuman.

Si Padilla ay naghain ng kanyang Divorce Act of the Philippines para sa 19th Congress sa paniniwalang napapanahon na para bigyan prioridad ang sitwasyon ng mga mag-asawang hindi na naiaayos ang kanilang pagsasama na lubhang nakakaapekto na sa kanilang buhay, kaisipan at mga anak.

Gayundin ang paniniwala nina Senadora Risa Hontiveros at Pia Cayetano na nagsabing ang legalisasyon ng Diborsyo sa Pilipinas ay dapat lamang bigyan ng lugar sa ilalim ng konstitusyon.

Ayon kay Hontiveros na siyang nagsumite sa 18th Congress ng Absolute Divorce Bill, patuloy niya umano itong sususugan upang mabigyan ng tamang lugar ang mga pagkakamali na dapat isa ayos ng mag-asawang hindi na magkasundo sa kanilang pagsasama.

Sinabi ni Hontiveros na mas mahirap lunukin at panuorin ang pagsasama ng mag asawang nagsasakitan na sa paraan ng pisikal, verbal at emotional na sistema na nakakaapekto sa kanilang buhay at pangkalusugan gayundin sa kanilang mga anak na madalas ay nagkakaroon pa aniya ng trauma.

Ayon kay HOntiveros, hindi naman aniya dapat pahirapan ng batas ang ganitong biktima ng panahon at mga pangyayaring hindi maiwasan kayat marapat lamang aniyang suportahan ng gobyerno ang pagbibigay sa kanila ng bagong buhay at pag-asa.

” It protects children from abuse and rebuilds broken families,” ani Hontiveros kung saan ay giniit niya na dapat lamang makapamuhay muli ng normal ang sinuman tao, at sinuman Pilipino sa ilalim ng batas.

Si Cayetano naman ay syang nag sumite ng legal termination of marriages by Philippine courts sa ilalim ng 18th Congress ay naniniwalang panahon na para respetuhin ng sinuman ang karapatan ng bawat isa na makapag simula muli ng isang matahimik at bagong buhay sakaling hindi nagtagumpay ang anumang pagsasama.