Leni

Leni HQs sa probinsiya nagsasara

278 Views

Robredo ‘ubos’ na ang pondo

NAGLALAYASAN na nga diumano ang mga financier ni Leni Robredo matapos kumalat ang balita na nagsasara na ang maraming mga regional headquarters niya sa mga probinsiya.

Ayon sa isang caretaker ng isang lugar na ginagamit na regional headquarters nina Robredo sa isang malaking siyudad sa Visayas, pinalayas ng may-ari ng gusali ang campaign team ni Robredo dahil umano sa hindi pagbabayad ng renta, kuryente, tubig at internet billing nito na umaabot na sa mahigit isang milyong piso.

Hindi raw masyadong napapabalita ang pangyayaring ito dahil pinipigilang kumalat diumano ng kampo ni Robredo at palihim rin ang pagbabaklas ng mga gamit ng mga staff na kadalasang ginagawa sa gabi.

Iniiwasan diumano ng kampo ni Robredo na matunugan ng iba pang Leni-Kiko supporters ang pangyayari upang maiwasang gumuho ang kampanya nito sa Visayas.

Samantala, isang building administrator ng gusali na ginagamit ring campaign headquarters sa Mindanao ang nagsabi na atrasado na rin sa pagbabayad ang kampo ni Robredo sa kanila at nakatakdang palayasin sa susunod na linggo.

Diumano, maayos naman daw kausap sa simula ang kampo ni Robredo at napapayag ang may-ari ng gusali na ibaba ang renta at huwag nang pagbayarin ng deposit ang Leni-Kiko team simula Nobyembre ng nakaraang taon.

Dagdag pa niya, aabot na rin umano sa halos dalawang milyon ang utang ng Leni-Kiko campaign team at dismayado rin daw ang may-ari ng building na dating sumusuporta kay Robredo.

Kumukunsulta na rin daw ang may-ari sa mga abogado upang makubra ang utang dahil walang matinong makausap sa campaign staff ni Robredo sa nasabing regional headquarters.

Usap-usapan ngayon ang tila pagkaubos ng pondo ni Robredo at halos umano’y nanlilimos na sa mga supporters nito upang maitustos sa mga gastusin sa kampanya niya.

Napabalitang maraming mga financiers ng Leni-Kiko ang nagsi-atrasan na sa pagsuporta sa nasabing tandem dahil nananatiling bagsak pa rin sa mga pinakahuling survey at malabo nang makahabol pa.