Pascua

Leni kakasuhan ng DEPED ng pagnanakaw

Nelo Javier Apr 1, 2022
358 Views

KAKASUHAN NG Department of Education (DepEd) ang kampo ni Leni Robredo dahil sa pagnanakaw ng kanilang kanta na tribute sa mga Covid-19 frontliner pero ginamit sa pulitika.

Ayon kay DepEd Usec. Alain del Pascua, ginamit na nga sa pulitika ang kantang “Dakila Ka, Bayani Ka,” hindi man lamang humingi ang kampo ni Robredo ng permiso sa composer ng kanta na si Arnie Mendaros, arranger Albert Tamayo at sa mismong DepEd.

“That song was meant to be a tribute to the pandemic frontliners who sacrificed their safety and bravely performed their duty amid the public health crisis,” ayon kay Del Pascua.

Ang mga singer na sina Martin Nievera, Michael V., Carol Banawa, TJ Monterde, Sassa Dagdag at iba pang artist ang boluntaryong nakibahagi sa pag-awit at recording ng naturang kanta kasama si Education Sec. Leonor Briones.

“While we respect the political choice of the medical personnel featured in the video, we are appalled that the people behind the production of the said video did not even practice due diligence in securing permission first from the artists who graciously lent their time and talent for the song,” dagdag pa ng opisyal.

Iginiit pa ni Del Pascua na ang nilalaman ng kanta ay ukol sa pagkakaisa at dapat ay hindi binabahiran ng kulay ng pulitika.

“Anumang kulay nila, anumang paniniwala, nagkakaisa sa pagtulong sa kaligtasan ng iba,” ayon sa lyrics ng kanta.

“That message and recognition was sadly and unfortunately bastardized by this political rendition,” ayon sa DepEd.

Matapos naman ang pahayag ng Dep-Ed agad binura ang naturang post ng kampo ni Robredo.

Hindi rin nakaligtas sa netizen ang pagnanakaw ng kanta ng kampo ni Robredo.