Leni Santos single ulit, balik- LV

Aster A Amoyo Apr 18, 2024
138 Views

Leni1BACK to being single ngayon ang Las Vegas-based actress na si Leni Santos (na birthday kahapon, April 18) matapos nitong wakasan ang relasyon sa isang Filipino guy (na American citizen at pinsan ng aktor na si Ricky Davao) na matagal-tagal din niyang nakarelasyon.

For a while, nag-base siya sa California para makasama ang boyfriend.

Taong 2006 pa nang magkahiwalay sila ng kanyang ex-husband na si Jeffrey Salvador, nakababatang kapatid ng aktres na si Jobelle Salvador (na sa Las Vegas din naka-base) at anak ng namayapang actor-director at producer na si Leroy Salvador, Jr.

Ang dating mag-asawang Leni ay Jeffrey ay may dalawang grown-up children na sina Jappy at Nika. Si Jappy ay sa Tokyo, Japan na naka-base matapos itong pumasok sa US Military pero lumabas ito and now married to a Japanese girl. Nag-aaral ito ngayon sa Japan ng Computer Engineering habang si Nika ay isa nang registered nurse in Las Vegas, Nevada habang nagta-trabaho naman si Leni sa isang hotel in Vegas.

Kahit matagal nang hiwalay ang dating mag-asawang Leni at Jeffrey ay nanatili umano silang magkaibigan dahil na rin sa kanilang dalawang anak.

Inamin sa amin ni Leni na wala umano siyang suwerte pagdating sa kanyang lovelife dahil hiwalay na rin sila ng kanyang huling nakarelasyon. Kung meron man umano siyang tini-treasure ay ang dalawa niyang anak na sina Jappy at Nika.

Nakilala nang husto si Leni sa 1980’s popular soap opera na “Anna Liza” kung saan nabuo ang kanilang tambalan ni Rey ‘PJ’ Abellana. Kahit naging magka-loveteam noon sina `PJ’ at Leni ay hindi sila nagkaroon ng romantic relationship dahil naka-focus na noon ang attention ni PJ sa kanyang ex-wife na ngayon na si Rea Reyes na ina ng aktres na si Carla Abellana. Si Leni naman ay naging boyfriend ang ex-husband na niyang ngayon na si Jeffrey Salvador.

In 2014, nagbalik-showbiz si Leni sa kanilang reunion project ni PJ sa bakuran ng GMA sa pamamagitan ng TV series na “More Than Words” pero pagkatapos ng serye ay bumalik siya ng Vegas kung saan na siya namimirmihan.

Taong 2002 nang talikuran ni Leni ang kanyang showbiz career sa Pilipinas sa kalagitnaan ng TV series na “Sa Puso Ko Iingatan Ka” na pinagtambalan nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual na nagsimula nung 2001 at tumagal hanggang 2002. Sa kabila ng pakiusap ng mga taga-production na siya’y bumalik ay hindi na niya ito nagawa dahil hindi na siya pinayagang bumalik ng kanyang husband pa noon na si Jeffrey dahil maliliit pa ang kanilang mga anak. Four years later ay nagkahiwalay ang dating mag-asawa.

Sa halip na bumalik ng Pilipinas ay in-embrace na rin ni Leni ang kanyang buhay sa America at naghanap siya ng trabaho roon para maka-survive doon kasama ang dalawa niyang mga anak na malilit pa noon.

Vlogger grabe ang struggle

WilbertWilbert1Wilbert2Wilbert3GRABE ang pinagdaanang hirap at struggle ng successful vlogger, entrepreneur, talent manager, pageant organizer, philanthropist at kauna-unahang Mr. Gay World Philippines winner na si Wilbert `Ka-Freshness’ Tolentino na isa na ring actor at recording artist ngayon. He recorded the song “Kain Tayo” originally intended for Herlene Budol at magkasama ang dalawa sa primetime series na “Black Rider” na pinagbibidahan ni Ruru Madrid with Yassi Pressman as his leading-lady.

Bata pa si Wilbert nang magkahiwalay ang kanyang Chinese parents at nagmula umano siya sa isang conservative Chinese family. Pangatlo siya sa apat na magkakapatid na all boys at siya lang umano ang only `girl’ sa kanilang magkakapatid.

Dahil busy ang kanyang ina, madalas siyang naiiwan sa bahay kapag ihinahatid at sinusundo sa school ang kanyang mas nakakatandang mga kapatid. Dito umano sumasalisi ang kanyang kapitbahay na paulit-ulit siyang minomolestiya. Hindi umano siya makapagsumbong dahil pinagbantaan siyang papatayin ang kanyang ina’t ama kapag ginawa niya ito. Umabot ito hanggang 12 years old na sila.

Kahit siya ang bunso sa kanilang apat na magkakapatid, hindi umano siya nakaramdam ng pagmamahal sa kanyang ina kaya sa edad na katorse ay lumayas siya at natutong pumasok sa iba’t ibang odd jobs para lamang kumita at magkapera. Pumatol din umano siya sa mga lalake’t babae for a measly amount of P50 na ang pinakamatandang babae ay 60 years old.

He was fourteen when he found out that he was bisexual. Dahil masipag, unti-unting nagkapera si si Wilbert. Nagkahilig umano siya sa mga babae at lalake. Marami siyang naka-relasyon and became a father at a young age. Napikot umano siya ng pamilya ng ina ng kanyang panganay na anak na isang babae. Wala umano siyang balak na pakasalan ang kanyang ex-wife pero wala umano siyang nagawa. Tumagal din ang kanilang pagsasama ng ilang taon pero nauwi rin ito sa hiwalayan dahil naghahanap din siya ng lalaking karelasyon. At that time ay nagkaroon umano siya ng boyfriend na nag-iskandalo.

Nagkahiwalay man sila ng kanyang dating misis, patuloy umano niyang binibigyan ng child support ang anak. Hanggang ma-discover niya na nung ito’y nasa 3rd year high school na ay nakipag-relasyon ito sa isang call boy at ito’y nabuntis kaya hindi na nito tinapos ang high school.

Ilang beses umano niyang binigyan ng pagkakataon ang kanyang panganay na ayusin ang buhay pero naging dishonest umano ito sa kanya kaya pinutol na umano niya ang ugnayan niya maging sa pamilya nito including his ex-wife.

In another occasion, muli siyang nagkaanak sa ibang babae (na may asawa) at 7 years old na umano ngayon ang kanyang anak na nasa kanyang pangangalaga. May autism ang bata kaya nakatututok umano siya rito and so far ay malaki na ang improvement ng bata ay nakikipagsabayan na sa mga normal na bata.

“I have to admit na marami akong sinuong na bad karma in the past pero unti-unti na itong napapalitan ng good karma,” salaysay pa niya.

Sa loob ng 20 taon ay wala umano siyang komunikasyon sa kanyang ama’t ina at ang isa niyang sister-in-law na malapit sa kanya ang siyang nagpaparating ng balita sa kanya tungkol sa kayang separated parents. Nang magkasakit ang kanyang ama, si Wilbert ang nag-alaga sa loob ng dalawang taon bago ito binawian ng buhay. When his father was ill, dumating naman ang kanyang anak na si Willard at nagkataong magka-birthday ang dalawa.

“Parang may mensahe sa akin si Lord na nawala man ang father ko ay pinalitan niya sa anak kong si Willard at nagkataon pang magka-birthday sila,” aniya.

Dahil sa sunud-sunod na magagandang blessings na dumarating kay Wilbert, nag-desisyon siyang dalawin ang kanyang ina. Although hindi pa rin maganda ang bungad nito sa kanya ay minabuti niyang maging kalmado. Binigyan din niya ng pera ang kanyang ina at unti-unti ring lumambot ito sa kanya.

Walang nakakaalam na 139 houses na ang naipamigay ni Wilbert sa mga taong nangangailangan at kasama na rito ang dalawa niyang naging alagang sina Herlene Budol at Madam Inutz na parehong nabago ang buhay nang sila’y hawakan ni Wilbert. Ito ay sa kabila na dumanas din siya ng maraming kontrobersiya in the course of his being a manager.

Dahil sa sunud-sunod na blessings na patuloy na dumarating kay Wilbert, unti-unti rin niya itong sini-share sa mga taong malalapit sa kanya at sa mga taong higit na nangangailangan.

“Binago ng Diyos ang buhay ko,” patuloy pa niya.

Nang lumapit sa kanya si Herlene Budol para i-manage, tinulungan ito ni Wilbert nang walang hininging kapalit.

Si Wilbert lamang noon ang naniniwala na kayang maging isang beauty queen ni Herlene na kahit ito mismo ay walang kumpiyansa sa sarili.

PInahinto rin ni Wilbert na tumanggap pa si Herlene ng mga side show na P2 thousand lamang ang bayad at sa halip ay siya na ang nagbibigay ng allowance nito to support her family.

Pinangakuan din niya si Herlene na bibigyan niya ito ng bahay kapag tinapos nito ang kanyang journey sa Bb. Pilipinas hanggang sa coronation night.

Apat na buwang sumailalim ng training si Herlene bago ito sumabak sa beauty pageant. Kumuha rin si Wilbert ng sariling stylist at glam team for Herlene na noon lamang niya naranasan. He totally repackaged Herlene at nagbunga naman ang kanyang mission.

Dahil tinupad ni Herlene ang Bb. Pilipinas pageant up to the coronation night ay tinupad ni Wilbert ang bahay na kanyang ipinangako sa kanyang alaga.

Bukod sa Pinoy Big Brother, Bb. Pilipinas at “Magandang Dilag” TV series sa GMA, nakagawa rin si Herlene ng ilang product endorsements.

Since maganda na ang tayo ngayon ni Herlene ay ipinaubaya na niya ang pangangalaga sa kanyang dating talent sa Sparkle ng GMA dahil mas gusto niyang laanan ng oras ang kanyang 7-year-old son. Pero nanatili umano silang close ni Herlene na kinu-consider pa rin siyang nanay-nanayan nito.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel.

Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.