Ka Buchoy

Leni tinanggap ang suporta ng komunista!

Ka Buchoy Mar 11, 2022
1121 Views

LeniKAHANAY na si Leni ng mga front organizations ng National Democratic Front tulad ng Gabriela at Anakbayan. Ito ay dahil sa pagtanggap nya ng pagtaguyod ng teroristang CPP-NPA-NDF. Ganyan na ba siya ka-desperadang maka-dagit ng boto?

Kung inyong natatandaan, nangako si Leni na kokontrahin o ipatitigil ang matagumpay na NTF-ELCAC pag siya’y naging presidente. Ito’y bagay na umani ng malawakang pagbatikos at pagkastigo mula sa malawak na hanay ng lipunan, napilitan siyang bawiin ito. Ganunpaman, nakapagbitaw

na siya ng salita. Naniniwala ako na yoong una niyang sinabi, ang pagbawi ng suporta sa NTF-ELCAC, ang tunay niyang saloobin. Bagay na kaniyang ibinahagi upang magpaganda sa teroristang grupo na CPP-NPA-NDF.

Listo po tayo mga kabayan! Meron na namang kababalaghang nangyari sa COMELEC!

Kamakailan ay munitk nang makalusot ang isang MOA (Memorandum of Agreement) sa pagitan ng COMELEC at Rappler kung saan ay gagawing tagapamahagi ng balita ang nasabing news organization sa darating na halalan/ ANO?? RAPPLER?? Di ba alam ni Atorni Jimenez na walang pahintulot sa SEC ang nasabing kompanya? Ito’y dahil napatunayang may dayuhang kapitalista ang nasabing kompanya; bagay na ipinagbabawal mismo ng ating saligang batas.

Bukod pa dito, lantarang kampi sa hanay ng mga Pinklawan ni Leni ang Rappler. Gawain na nito ang mamahagi ito ng kasinungalingan at paninira ng kaniyang mga katunggali tulad nina BBM at Sara. Buti na lang at nabuking, bagay na humantong sa pagsuspindi sa nasabing kontrata, at asunto sa Korte Suprema na inihain ni SolGen Calida para ito’y ibasura.

Nagkalat pa rin ba sa COMELEC ang mga galamay ng pink at dilaw? Papaano nakalusot itong MOA nila sa Rappler na kulang na lamang ng isang pirma para ipatupad? Paki sagot Atorni Jimenez? Alam nyo na walang pahintulot sa SEC ang Rappler pero tinuloy nyo pa rin. Meron bang magic na gagawin ang mga “planted” ng puganteng former Commissioner Andy Bautista? Pakisilip lang po, mga Commissioner, Mag-ingat sa byudang ambisyosa at salawahan. Alam ba ninyo kung ano ang pinakamalaking achievement ni Leni sa larangan ng pulitika? Mga batas na inihain bilang congresswoman? Hindi. Bumuti ba ang buhay ng kaniyang mga kababayan sa Bikol? Hindi. Yung pabahay na pinangako nya sa Dinagat kasunod ng Bagyong Odette? Lalong hindi. Ni drawing ay wala.

Ang kaniyang greatest achievement ay ang kamatayan ng Partido Liberal. Opo. Ang Partido Liberal. Ang partido nina Presidente Manuel Roxas, Presidente Elpidio Quirino, Presidente Ramon Magsaysay, mga senador na sina Gerry Roxas at ang bayaning si Ninoy Aquino at marami pang iba. Patay na.

Papaano ito nangyari sa isang makasaysayan at dakilang partido; partido na kinabibilangan ng mga bayani? Simple lang po. Nagpasya si Leni, ang mismong Chairwoman nito, na wala na itong silbi sa kaniyang mga ambisyon. Sa halip na tumakbo sa ilalim ng dakilang bandila ng LP, siya’y tumakbo bilang “independent.’

Huwag na kayong magtaka kung malamya ang suporta ni Leni sa mga LP veteran? Nasaan na si Mar Roxas? Ang kaniyang running mate sa pagkapangulo? Ang balita ay hindi si Leni ang kaniyang manok sa darating na halalan. Maging ang Alkalde ng Quezon City, si Joy Belmonte, na saradong LP ang pamilya ay sumama na sa BBM-Sara tiket.

Nababalitaan pa ba ninyo ang COVID? Hindi na po gaano di ba? Malinaw na unti-unting bumabalik na sa normal ang buhay, bagama’t di pa pwedeng magpakasiguro. Dapat pa rin mag-ingat.

Magsuot ng mask, at mag pabakuna hanggang booster kung hindi pa tayo natuturukan. Ano ang masasabi nina Leni dito? Wala. Dahil sa walang-tigil na pagpapatupad sa vaccination ng grupong pinangungunahan ni Gen. Carlito Galvez PA (ret) at ni Dr. Ted Herbosana naging mukha at tinig ng pakikibaka laban sa COVID sa pamamagitan ng bakuna.

Hanggang dito na lamang po, mga abang, akabayan, kasangkayan ug mga higala. Ampingkanunay!