gemmo trinidad

LENIKOng ceap survey kaduda-duda

Gemmo Trinidad Mar 10, 2022
835 Views

ANG mga kandidatong pinaniniwalaan ang kanilang kasinungalingan ay dapat sinasampilong ng katotohanan.

Ang mga nagtataguyod kina LeniKo na Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) diumano ay nagsagawa ng isang survey upang mabigyang hula kung sino ang maaring manalong pangulo sa darating na Halalan 2022. Hindi naman ipinaliwanag CEAP Research Unit kung papaano nila isinagawa ang nasabing survey, na binansagang Second 2022 National Election Pulse Google survey.

Di ba kahinahinala ang paggamit ng CEAP ng Google sa taguri ng kanila survey? Isa itong patunay na nais nila na i-Leniko ang kaisipan ng mamamayang botante at paniwalain tayo na tama ang pormada ng survey dahil kasali ang Google! Sa aking pananaw maraming statistical principle ang kanilang linabag kaya di ninyo ako masisisi kung sasabihin tila isa itong “table survey” at wala itong katuturan!

Samantala, sa lalawigan ng Laguna ay may lumutang na survey na “Laguna Expose”. Sinasabi dito na ang kalaban ng incumbent governor na taga San Pablo City ang siyang nangunguna.

Ngunit ang nasabing survey ay walang paliwanag kung papaano ito isinagawa. Marami sa lalawigan ang nagtatanong kung papaano nito mararating ang tagumpay kung saan tiyakan namang sinabi ng City Mayor na hindi niya ini-endorso ang kandidatura ng kababayan niyang tumatakbong gobernador. Idagdag pa rito na apat lamang sa kabuuang 80 barangay ang sumusuporta kay madam candidate. Saan kaya siya kukuha ng boto? Tila nanliligaw ang Laguna Expose?

Sa kabilang dako, ang Bagong Henerasyon Partylist ayon kay Speaker Herrera ay diumano’y sigurado na ang panalo, dahil mataas ang naging ranking nito sa Voter Preference for Partylist na isinagawa noong January 2022. Pero sa listahan ay hindi ito pumasok sa top 40 ranking.

Fake pronouncement! Fake news!

Pagsapit ng Mayo 9 masasampilong sila ng katotohanan!