Leni Robredo

‘LeniNPA’ Matagal na

357 Views

Intel report:

MATAGAL na umanong nakikipag-ugnayan si Leni Robredo sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), at sa katunayan ay noong nakaraang taon pa, ayon mismo sa intelligence report na nakalap ng pamahalaan.

Sinabi din sa intel report na tinawag ng organisasyon ang samahan na “LeniNPA” na kinumpirma mismo ng founder ng teroristang grupo na si Joma Sison.

Matatandaang kamakailan ay nagkaroon ng tweet si Joma patungkol sa opisyal na pag-endorso nito kay Leni, na agad na inilarawan ni National Task Force to End Local Communist Ared Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson Ma. Lorraine Badoy na ang alyansa ay “marriage made in the bowels of hell”.

Namuo ang kampihan sa pagitan ni Robredo at ng mga teroristang grupo bago pa ito magsumite ng kanyang candidacy, ayon sa ayaw na magpakilalang intel officer.

“If you will recall Badoy, former Col. Antonio Parlade, and even former CPP cadre Jeffrey “Ka Eric” Celiz had been making noise and had been accusing the vice president of her complicity with the communists since August 2021, even before she filed her candidacy,” ayon sa source.

“In fact, their exposes have been covered extensively by several media entities but only a few of that kind of news were aired because they were obviously supporting her,” pagpapatuloy niya.

Idinagdag pa niya ang nangyaring negosasyon ay nagsimula nang mabuo ang 1Sambayan na isa sa naging political vehicle ni Leni “kasi sunog na ang Liberal Party at mga dilawan, but somehow it took flak because former Sonny Trillanes was opposed to the idea.”

“Naalala ninyo nagwala si Trillanes? Hindi siya pumayag na mapasali si Neri Colmenares sa senatorial line-up kasi sabi nya hindi sumuporta ang makakaliwang grupo kay Leni at ang talagang isinusulong nila ay si Isko Moreno, na isa ring kaalyado ng CPP. Pero walang nagawa si Trillanes, ngayon nasa line-up na si Colmenares,” paliwanag ng source.

Sinabi pa niya na matagal nang nagmamatyag ang intelligence community sa mga galaw nila at alam ang bawat hakbang nila.

“Ang ibig bang sabihin magsasalita si Pangulong Duterte na may ugnayan ang mga Komunista at ang grupo ni Leni kung hindi iyon totoo? Itinatanggi niya ang pakikipagsabwatan niya sa Kaliwa pero nakita ninyo ang mga sumasali sa rally niya ay puro cadre at miyembro ng CPP-NPA-NDF,” dagdag pa niya.

Banggit pa ng source, ang tanging dahilang lang ni Leni para tumakbo ay para pigilan si Bongbong Marcos na magwagi, kaya nang maramdaman niya na malakas ang kandidatura nito ay tuluyan na siyang nakipag-alyansa sa mga terorista.

“On the side of the communists naman, alam nilang mahina na sila at lalong hihina pa kung mananalo si Marcos. Kaya pumayag sila sa isang tactical alliance pero ang end game ay isang coalition government kung saan magkakaroon sila ng poder sa gobyerno,” paliwanag pa niya.

Isa din aniya sa napagkasunduan nila na gawing Cabinet secretaries ang mga CPP cadres sa pinakamahahalagang ahensya tulad ng Departments of Labor (DOLE), Trade and Industry (DTI), Social Welfare and Development (DSWD), Interior and Local Government (DILG), Health (DOH), and Agriculture (DA).

“Robredo wants to win at all cost, while the communists want to destroy the government from within. May hawak kaming mga dokumento, nasa kamay na ni Robredo kung paano niya ito pasisinungalingan,” pagtatapos niya. Ni LEE ANN P. DUCUSIN