NCAA

Letran abot-kamay ang NCAA three-peat

Theodore Jurado Dec 5, 2022
308 Views

LUMAPIT ang Letran sa pagkumpleto ng three-peat sa pamamagitan ng 81-75 panalo kontra sa College of Saint Benilde kagabi sa NCAA men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Nagbigay sina King Caralipio at Kurt Reyson ng mga krusyal na baskets upang kunin ng Knights ang 75-69 abante sa kalagitnaan ng payoff period.

Bagsak pa rin sa 69-76 matapos mag-split si Louie Sangalang sa foul line, hindi basta sumuko ang Blazers at tinapyas ang deficit sa tatlo, 73-76, mula sa Miggy Corteza jumper sa huling 3:20.

Subalit hindi nakakuha ng break ang Benilde, pagkat sumablay ang tres nina Macoy Marcos at JC Cullar na siyang nagbaba sana sa deficit at bumuslo ang Letran ng 5-of-6 free throws sa huling 2:10 segundo upang kunin ang Game 1.

Tatangkain ng Knights na masambot ang ika-20 na kampeonato sa Game 2 sa alas-3 ng hapon sa Linggo sa Big Dome.

Tatangkain ng Letran na maduplika ang ginawa ng Samboy Lim-led team noong 1982-84 kung saan nakumpleto ang three-peat.

Nagsumite si Sangalang ng double-double outing na 24 points at 10 rebounds, nagdagdag si Caralipio ng 16 points, habang nag-ambag si Reyson ng 13 points, boards at tatlong assists para sa Knights.

Tumipa si Will Gozum ng 18 points at 11 rebounds habang umiskor si Corteza ng 18 points para sa Blazers, na nasa kanilang unang Finals appearance magmula pa noong 2002.

Iskor:

Letran (81) — Sangalang 24, Caralipio 16, Reyson 13, Paraiso 9, Yu 7, Javillonar 5, Olivario 4, Santos 2, Go 1, Tolentino 0, Monje 0, Ariar 0.

Benilde (75) — Gozum 18, Corteza 18, Sangco 10, Nayve 9, Marcos 7, Pasturan 4, Oczon 3, Cullar 2, Carlos 2, Lepalam 2, Flores 0, Sumabat

Quarterscores: 25-21, 52-50, 66-67, 81-75