DBM

LGU maghahati sa P878.38B NTA

Neil Louis Tayo Jun 17, 2023
169 Views

MAGHAHATI ang mga lokal na pamahalaan ng bansa sa P878.38 bilyong share nito sa National Tax Allotment (NTA).

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM) ang naturang pondo ay matatanggap ng mga local government unit (LGU) sa 2024.

Ang naturang halaga ay galing sa koleksyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) (P688 bilyon), Bureau of Customs (P183.36 bilyon, at iba pang nakolekta ng national agency (P19.60 milyon).

Ayon sa DBM, ang share ng LGU sa NTA ay mas mataas ng P51.11 bilyon o 6.23 porsyento sa kanilang natanggap ngayong taon.

Batay sa datos ng DBM, aabot sa P295.47 bilyon ang mapupunta sa mga munisipyo, P201.22 bilyon sa mga siyudad, P200.42 bilyon sa mga probinsya, at P174.28 bilyon sa mga barangay.