Paolo Z. Duterte

Libreng licensure exams para sa mga mahihirap na Pinoy isinulong

Mar Rodriguez Jul 30, 2023
179 Views

ISINULONG ni Davao City 1st. Dist. Congressman Paolo Z. Duterte ang isang panukalang batas sa Kamara de Representantes na naglalayong gawing libre ang mga “licensure examinations fees” para sa mga qualified indigent Filipino o yung mga walang kakayahang magbayad ng nasabing bayarin dala ng kanilang kahirapan.

Ito ang nakapaloob sa House Bill No. 4927 na inihain ni Congressman Duterte kasama si Benguet Congressman Eric Yap para maging libre ang pagbabayad ng mga fees para sa mga indigent Filipino. Matapos nilang igiit na hindi dapat maging handlang ang pagbabayad ng mga licensure examination fees para hindi maging propesyunal ang isang indigent o mahirap na mamamayan.

“Since the sole purpose of licensure examinations is to determine whether one has enough knowledge and experience to perform his or her chosen profession, being unable to pay the licensure exam fees should not be a barrier for any exam taker,” Paliwanag nina Duterte at Yap.

Nakapaloob sa panukalang batas ng dalawang kongresista na sakop nito ang licensure examinations na ibinibigay ng Professional Regulation Commission (PRC), Civil Service Commission (CSC) at Bar Examinations ng Supreme Court (SC).

Nabatid na ang PRC ay naniningil ng bayad na P450 hanggang P1,050 na licensure fee sa iba’t-ibang licensure examinations nito kabilang na dito ang larangan ng health, business, education, social sciences, engineering at technology.

Habang ang CSC naman ay para sa kanilang Career Service Examination for Professional at Sub-Professional Levels ay sumisingil ng P500. Samantalang ang non-refundable na Bar Application Fee naman ay nasa P12,800.

Kasaby nito, ikinagalak naman ni House Deputy Majority Leader at Isabela 6th Dist. Congressman Faustino “Inno”A Dy. V ang pagkakaroon ng ganitong panualang batas para matulungan ang nakararaming mahihirap na mamamayan.

Ipinaliwanag ni Congress Dy na malaki ang maitutulong ng House Bill No. 4927 upang maibsan ang malaking pasanin ng mga indigent Filipinos sa pagkuha ng mga licensure examinations sa gitna ng matinding kahirapan.

Binigyang diin ni Dy na maraming indigent Filipinos ang naghahangad na maging professional pagkatapos ng kanilang college graduation. Subalit ang napaka-mahal o mataas na licensure exam fees ang humahadlang sa kanila para matupad ang kanilang pangarap.

Kaya sa pamamagitan aniya ng nasabing panukalang batas. Malaking kaginhawahan aniya sa mga indigent Filipinos ang ma-libre sa pagbabayad ng mahal na licensure examinations fees.