Carousel

Libreng sakay sa EDSA magbabalik

Jun I Legaspi Mar 24, 2022
237 Views

SA susunod na linggo ay magbabalik na ang libreng sakay sa EDSA bus carousel.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) natanggap na nito ang pondo mula sa Department of Budget and Management (DBM) na nagkakahalaga ng P7 bilyon.

Ang pondo ay gagamitin sa service contracting program o ang programa kung saan ang gobyerno ang nagbabayad sa mga bus na bumibiyahe sa halip na ang mga pasahero.

Bukod sa mga bus sa EDSA carousel, kasama rin sa service contracting program ang mga piling pampasaherong jeepney.