Antique

Libu-libo relief packs ipinadala ng Kamara sa mga nasalanta

203 Views

LIBO-LIBONG relief pack ang ipinadala ng Kamara de Representantes na pinamumunuan ni Speaker Martin G. Romualdez sa mga nasalanta ng bagyong Paeng.

Nagtulong-tulong ang mga volunteer mula sa Kamara de Representantes at Philippine National Police (PNP) sa paghahakot ng relief goods papunta sa mga sasakyan na magdadala nito sa mga nasalanta.

Nasa 200 sako ng bigas, 40 bundle ng bottled water, at 1,000 relief packs ang ipinadala ng Kamara sa Quezon. Si Third District Rep. Reynante U. Arrogancia ang naatasan na mamahagi nito.

Nagpadala naman ang Kamara ng 200 sako ng bigas, 50 bundle ng bottled water, 50 kahon ng corned beef at 10 bag ng diaper naman ang ipinadala sa Paete, Laguna. Si Mayor Ronald Cosico ang kinausap upang mamigay nito sa kanyang lugar.

Nagtulong-tulong din ang mga volunteer sa paghahakot ng 1,000 releif pack, 100 bundle ng bottled water, at 50 kahon ng corned beef na ipinadala sa Antique. Si Anakalusugan Party-list Rep. Rey Florence Reyes ang naatasan na mamigay nito.

Nasa 1,000 relief pack, 40 bundle ng bottled water, at 10 sako ng bigas ang ipinadala kay Dasmariñas City Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga Jr. upang ipamahagi sa kanyang mga constituent.

Nagpadala naman ang Kamara ng 1,500 relief pack, 100 bundles ng bottled water, 30 sako ng bigas, 10 bag ng diaper at isang kahon ng noodles ang ipinadala naman sa Laguna para ipamahagi ni First District Rep. Ma. Rene Ann Lourdes G. Matibag.

Noong gabi ng Miyerkules, nagpadala naman ang Kamara ng 1,500 relief pack, 100 bundle ng bottled water, at 30 sako ng bigas sa Rizal. Si Second District Rep. Emigdio Tanjuatco lll ang naatasan na mamahagi nito.