Garin1

Lider ng Kamara tinukuran “bloodless” anti-drug campaign ni PBBM

Mar Rodriguez Oct 15, 2023
183 Views

NAGPAHAYAG ng pagsuporta si House Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin sa matagumpay na “bloodless” anti-drug campaign ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos Jr.

Ayon sa kay Garin sa halos 16 na buwan ng administrasyong Marcos ay naipakita nito na puspusan pa rin ang kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot at patunay dito ang nasabat na 4.4 tonelada ng shabu na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P30 bilyon.

“That’s 4,400 kilos of illegal drugs no longer on our streets. This means P30 billion is no longer feeding the coffers of drug peddlers, traffickers, and kingpins. Instead, this money is put to other uses, possibly in more productive endeavors like feeding families and attending to other family needs,” ani Garin.

Sinabi rin ni Garin na kapuri-puri ang estratehiya ng administrasyon sa pagsugpo ng iligal na droga.

“The brilliance of President BBM’s anti-drug strategy lies not only in its efficacy but in its humanity. Not a single life of a drug user, peddler, or trafficker was taken. It’s a testament to the belief that bloodshed isn’t the answer to this crisis,” sabi ni Garin.

“This administration will not stand by and watch small-time drug users and street pushers face dire consequences while the major importers and suppliers of these illegal drugs operate with impunity,” dagdag pa nito.

Hinimok din ni Garin ang lahat ng sektor na sumama kay Pangulong Marcos upang maging drug-free ang bansa.

“Let’s unite in this cause. Monitor our communities, guide our people away from drug use, and promptly report any suspicious activities to the authorities,” saad pa nito.

Mensahe naman ni Garin sa mga drug user, “Understand the profound toll drugs take on your health, your loved ones, and the broader society. Break free from this cycle; it only leads to despair.”