Alvarez

Lider ng Young Guns kay ex-Speaker Alvarez: Gampanan din trabaho sa Kamara

Mar Rodriguez Apr 16, 2024
48 Views

UMAPELA ang lider ng tinaguriang Young Guns bloc sa Kamara de Representantes kay dating Speaker Pantaleon Alvarez na gampanan din ang kanyang trabaho bilang mambabatas at huwag ubusin ang kanyang oras sa pagiba sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“We miss you in the House, sir, in plenary sessions and in committee hearings, in which most of us actively participate,” ani La Union Rep. Francisco Paolo Ortega.

Sinabi ni Ortega na ang mga alalahanin ni Alvarez ay maaari ring talakayin sa Kamara para sa kapakanan ng bansa.

Ayon kay Ortega bagamat mayroong karapatan si Alvarez na magpahayag ng kanyang saloobin at gawin ang kanyang nais alinsunod sa limitasyong itinakda ng batas, siya ay mayroon ding trabaho bilang kinatawan sa Kongreso.

“That involves participation in House sessions and committee deliberations. We have not seen him for quite some time,” wika pa ni Ortega.

Dagdag pa nito, ang mga batang miyembro ng Kamara ay nakatingin sa mga beteranong miyembro ng Kamara upang matuto sa kanila dahil sila ay mayroong malawak na karanasan.