Calendar

Liempo, pork cubes ipinuslit ng 2 suspek, tiklo
NATIMBOG ng mga pulis ang dalawang lalaki na nabuking ng babaeng security guard na nagpuslit ng ilang pork cubes at liempo na may combined price na halos P2,000 sa Savemore grocery sa Pedro Gil St., Ermita, Manila, noong Linggo.
Sa imbestigasyon ng lady guard na si Margielyn, bandang alas-6:15 ng gabi habang naglilibot sa kanyang monitoring area, natuklasan niya ang mga suspek na sina alyas Andrew, 30, at alyas Jeffrey, 33, na nagsabwatan upang ipuslit ang ilang piraso ng pork cubes na may halagang P1,255 at mahigit isang kilong liempo na may kabuuang halaga na P756.
Sinita niya ang mga suspek at dinala sa security office, at itinawag sa Manila Police District-Paco Station sa ilalim ni Police Major Val Valencia.
Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Article 310 (qualified theft).