Calendar
Life, P2M multa sa 4 na kinasuhan ng human trafficking
APAT na akusado ng qualified human trafficking ang hinatulan kamakailan ng habang buhay na pagkakakulong ng Regional Trial Court Branch 86 ng Quezon City.
Kaugnay ang hatol sa panawagan ng magulang para sa pagbabalik ng kanilang walong buwang gulang na sanggol.
Nagpasya ang ina ng sanggol na ibenta ang kanyang anak sa isang taong nakilala niya sa Facebook.
Noong Marso 3, 2022, pumayag ang ina na makipagkita sa tao at kalaunan nagkita sila nito. upang maging middleman ng kanyang sanggol sa halagang P45,000.
Sa ikinasang entrapment at rescue operations ng mga operatiba ng Human Trafficking Division (HTRAD) nagresulta sa pagsagip sa sanggol at pagkakaaresto sa isang Pinay at isang Nigerian national sa Sta Cruz, Laguna.
Ang mga kaso ng kidnapping isinampa laban sa mga suspek.
Hinatulan sila ng habang buhay na kulong at multang P2 milyon bawat isa.