Yulo

Lifetime pension para sa mga Olympic medalists, suportado ng sportsman na si Romero

Mar Rodriguez Aug 8, 2024
89 Views

Yulo1𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 “𝘀𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀𝗺𝗮𝗻” 𝗮𝘁 “𝘀𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 𝗲𝗻𝘁𝗵𝘂𝘀𝗶𝗮𝘀𝘁, s𝗶𝗻𝘂𝘀𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗶 𝟭-𝗣𝗔𝗖𝗠𝗔𝗡 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆 𝗟𝗶𝘀𝘁 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗠𝗶𝗰𝗵𝗮𝗲𝗹 “𝗠𝗶𝗸𝗲𝗲” 𝗟. 𝗥𝗼𝗺𝗲𝗿𝗼, 𝗣𝗵.𝗗., 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘁𝗶𝗻𝘂𝘁𝘂𝗹𝗮𝗸 𝗻𝗮 𝗺𝘂𝗻𝗴𝗸𝗮𝗵𝗶 𝗻𝗶 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗦𝗽𝗲𝗮𝗸𝗲𝗿 𝗙𝗲𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻 𝗚𝗼𝗺𝗲𝘇 𝗥𝗼𝗺𝘂𝗮𝗹𝗱𝗲𝘇 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗴𝗹𝗮𝗹𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗯𝗶𝗴𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗳𝗲𝘁𝗶𝗺𝗲 𝗽𝗲𝗻𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗮𝘁 𝗶𝗯𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝗲𝗻𝗲𝗽𝗶𝘀𝘆𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗔𝘁𝗹𝗲𝘁𝗮 𝗻𝗮 𝗢𝗹𝘆𝗺𝗽𝗶𝗰 𝗺𝗲𝗱𝗮𝗹𝗶𝘀𝘁𝘀.

Ayon kay Romero, chairman ng House Committee on Poverty Alleviation, maituturing na isang magandang hakbang ang panukalang isinusulong ni Speaker Romualdez dahil sa pamamagitan ng lifetime pension at iba pang kahalintulad nitong insentibo, naipapakita ng gobyerno ang suporta at pagmamahal nito para sa mga atletang Pinoy na nagbibigay ng karangalan sa bansa.

Paliwanag ni Romero, napakalaking sakripisyo ang binabalikat ng mga Pilipinong Atleta para makapag-bigay ng malaking karangalan para sa Pilipinas sa pamamagitan ng kanilang pagsisikap na makasungkit ng medalya sa mga sports events na nilalahikan nila.

Dagdag pa ni Romero, hindi madali aniya ang tinatahak na landas ng mga Atleta patungo sa kanilang tagumpay sapagkat napakahirap umanong makakuha o maka-sungkit ng medalya lalo na kung gold medal dahil sa napaka-higpit na kompetisyon.

Gayunman, binigyang diin ng kongresista na hindi kailanman masusuklian ang napakalaking sakripisyo na ibinibigay ng mga Atletang Pinoy.

Aniya, maaari namang kilalanin ng pamahalaan ang kanilang tagumpay sa pamamaraan ng mga benepisyo at insentibo na maituturing na tropeo para sa kanilang kontribusyon para sa karangalan ng Pilipinas.