Marlon Purificacion

Like Father, Like Son!

288 Views

KUNG anong puno, siyang bunga!

Tunay ang kasabihang ito lalo kung ang isang anak ay tinutularan ang mabuting gawain ng kanyang magulang.

Sa Facebook page ng Filipino Indian Commerce & Welfare Society Inc. (FICWSI), ibinida ng mga ito ang ginawang pagtulong ni Tristan Kumar sa mga ngangangailangan nating kababayan.

Si Tristan ay anak ng negosyanteng si Manjinder ‘James’ Kumar, presidente ng FICWSI, na dalawang ulit pinarangalan bilang ‘Philanthropist of the Year’ ng Asia Leaders Awards (ALA) noong taong 2020 at 2021.

Itinatag noon pang 2015, ang FICWSI, isang non-stock, non-profit organization ng Filipino-Indian sa bansa, ay kinilala rin ng prestiyosong award-giving body bilang Corporate Social Responsibility dahil sa hindi matawarang community program, poverty alleviation, better eduction, employment opportunities, business growth and community engagement’ bunsod ng hindi matawarang pamumuno ni James.

Sa FB post ng FICWSI, kinilala ng mga ito ginawang pagtulong ni Tristan sa mga mahihirap na kababayan sa Poblacion, Makati City.

“Inspired by the father, motivated with a purpose,” sabi ng FICWSI sa kanilang FB post.

Sinabi ni Tristan na bahagi ang pagtulong nito sa ‘Filindihelpline’ ng FICWSI na pangunahing adbokasiya ng kanyang ama.

“Although the pandemic is now starting to ease down, there are still a lot of people who need help and assistance. I feel that sense of purpose in doing my share to till this need. I look forward to doing more of this,” sabi pa ni Tristan.

Bilang ‘proud daddy,’ ini-repost ni James ang FB post ng FICWSI at sinabing “Anak, you inspire me all the more!”

Maraming beses ko nang isinulat dito ang mga kagandahang loob na ginagawa ni James sa ating mga kababayan.

Alam kong ang mabubuting gawa nito ay mamanahin ng kanyang mga anak dahil kahit noong sumabog pa ang Bulkang Taal, Bohol earthquake, bagyong Yolanda at maraming trahedya na nanalanta sa bansa, palagi nang kasama ni James ang kanyang asawa at mga anak.

Nakatutuwang pagmasdan na kasabay ng paglaki ng mga anak ay kaakibat ng mga ito ang kagandahang asal ng kanyang mga magulang.

Congrats sa iyo, James at keep up the good work, Tristan.

Dito ko puwedeng sabihin na sana dumami pa ang lahi n’yo James and Tristan.