Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
Limay

Limay namigay ng 560 bahay

Christian Supnad Oct 4, 2025
272 Views

LIMAY, Bataan–Nasa 560 housing units ang ibinigay sa tao noong Sabado sa bayang ito, ayon kay Mayor Richie Jason David.

Kasabay ang pagbibigay ng bahay sa pagdaraos ng kapistahan.

“Sa halagang P2,700 kada buwan ang babayarang installment ay magkakaroon na kayo ng disente at may dignidad na bahay sa tulong nina Gov. Joet Garcia at Congressman Abet Garcia,” paliwanag ni Mayor David.

“Matibay ito dahil maayos ang footage at kung ano nakalagay sa plano ay iyon ang masusunod, kaya maayos tong pabahay natin sa mga taga Limay.

Ang maganda libre pa ang lupa kung kayat hindi mahihirapan ang ating mga kababayan,” dagdag ng mayor.

Ang bayan ng Limay ang sinasabing pinakamayaman sa munisipalidad sa boung bansa matapos maging component city ang Carmona, Cavite na siyang dating pinakamayaman na bayan.

Sa Limay nakatayo ang Petron Bataan Refinery na kung saan 70 percent ng mga petrolyo galing sa iba’t-ibang bansa ang dito ipina process.

Dito rin sa Limay ginagawa ang mga bala na ginagamit ng mga sundalo at pulis.