Calendar

Lindol na may lakas na 5.3, yumanig sa ilang bahagi ng Cagayan
LAOAG CITY – Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 5.3 ang lalawigan ng Cagayan dakong 9:34 ng umaga nitong Sabado.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang lindol ay tectonic at naitala 13 kilometro hilagang-silangan ng Dalupiri Island sa Calayan, Cagayan. May lalim itong 10 kilometro.
Naitalang Instrumental Intensity I sa Claveria, Cagayan.
Ang “reported intensity” ay tradisyunal na paraan ng pagtukoy ng lakas ng lindol batay sa ulat ng mga taong nakaramdam nito.
Samantalang ang “instrumental intensity” ay nasusukat gamit ang isang intensity meter na sumusukat sa galaw ng lupa.
Ang magnitude naman ay tumutukoy sa laki ng lindol at sa lakas ng pagyanig na dulot nito.
Ayon sa Phivolcs, hindi inaasahang magkakaroon ng pinsala ngunit pinayuhan ang mga residente na manatiling alerto sa posibleng mga aftershock.