Calendar
Source: Cebu Action Center
Lindol sa Cebu; 69 patay, inaasahang tataas pa
UMABOT na sa 69 katao ang patay at inaasahang tataas pa makaraang yanigin ng 6.9 magnitude na lindol ang probinsya ng Cebu nitong Martes ng gabi .
Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) naramdaman ang pagyanig dakong 9:59 ng gabi.
Ang sentro ng lindol na may tectonic origin ay matatagpuan sa Bogo City.
Naramdaman ang Intensity 7 ng Lindol sa Bogo City, Daanbantayan, Medellin, San Remigio at Tabuelan sa Cebu.
Intensity 6 naman ang naramdaman sa Murcia , Negros Occidental; Bantayan, Borbon, Catmon at Sogod sa Cebu.
Intensity 5 sa Cataingan, Esperanza at Pio V. Corpuz sa Masbate; Cadiz City, Hinigaran, Moises Padilla, San Carlos City, San Enrique, Sipalay City at Toboso sa Negros Occidental; Dauis , Tagbilaran City at Talibon sa Bohol; Alcoy, Argao, Asturias, Carmen, Compostela, Consolacion, Dalaguete, Danao City, Liloan, Oslob, Samboan, San Fernando at Santander sa Cebu; Cebu City, Lapu-lapu City, Almeria, Biliran, Cabucgayan , Caibiran, Culaba, Kawayan, Maripipi at Naval sa Biliran; Abuyog, Alangalang, Albuera, Babatngon, Barugo, Bato, Baybay City, Burauen, Calubian, Capoocan, Carigara, Dagami, Dulag, Hilongos, Hindang, Inopacan, Isabel, Jaro, Javier, Julita, kanaga, La Paz, Leyte, Macarthur, Magat-Ob, Matalom, Mayorga, Merida, Palo, Palompon at Villaba sa Leyte; Ormoc City at Tacloban City.
Nasa Intensity 4 naman ang naramdaman sa Ligao City, Albay; Dimasalang, Mandaon, Masbate City, Milagros, Monreal, Palanas , San Fernando at Jacinto sa Masbate; Bulan, Bulusan, Casiguran, Irosin, Magallanes, at Pilar sa Sorsogon; Dao, Roxas City at Sigma sa Capiz; Leganes, Iloilo; Bago City, Himamaylan, Ilog at Kabankalan City sa Negros Occidental; Ubay, Bohol; Amlan, Bacong, Bais City, Bayawan City, Dauin, San Jose, Santa Catalina, Tanjay City at Zamboanguita sa Negros Oriental; Arteche, City of Borongan, Can-Avid, Dolores, General Macarthur, Guiuan, Hernani, Lawaan, Mercedes, Oras, Salcedo, San Julian, Sulat, at Taft sa Eastern Samar; ; Mahaplag,Leyte; Allen, Bobon, Catarman, Catubig, Gamay, Laoang, Lapinig, Lope De Vega, Mapanas, Mondragon, Palapag, Pambujan, Rosario, San Antonio, San Roque, at Victoria sa Northern Samar; Almagro, City of Calbayog, City of Catbalogan, Marabut, San Jorge, at Tagapul-an sa Samar; Anahawan, Bontoc, Hinunangan, Hinundayan, Libagon, Liloan, Limasawa, City of Maasin, Macrohon, Malitbog, Padre Burgos, Pintuyan, Saint Bernard, San Francisco, San
Juan, San Ricardo, Silago, Sogod, at Tomas Oppus sa Southern Leyte; Dipolog City sa Zamboanga del Norte at Mambajao , Camiguin.
Naramdaman din ang Intensity III ng lindol sa Daraga at Legazpi City sa Albay; Iriga City sa Camarines Sur; Donsol, Sorsogon; Ibajay, Kalibo, Makato, New Washington, at Numancia sa Aklan; Tibiao sa Antique; Dumaguete City at Sibulan sa Negros Oriental; Rizal sa Zamboanga del Norte ; Balingasag at Laguindingan sa Misamis Oriental at Cagayan de Oro City.
Umabot sa Intensity II ang pagyanig sa Gubat at Juban Sorsogon; Malay, Aklan; Sirawai, Zamboanga del Norte atg Initao, Misamis Oriental.
Niyanig din ng Intensity 1 na lindol ang Hinoba-an, Negros Occidental; Siocon, Zamboanga del Norte at Tandag City sa Surigao del Sur.
Ayon kay Office of Civil Defense officer in charge Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV, sa ngayon ay patuloy silang tumatanggap ng mga bagong ulat hinggil sa mga nasawi.
“We are receiving additional numbers of reported casualties. Kaya very fluid pa po,” pahayag ni Alejandro.
“We are receiving reports as high as 60 individuals are reported to have perished dito sa lindol na ito.” dagdag ng opisyal.
Malawak ang naging pinsala sa Cebu kung saan sa Bogo City, ilang mga bangkay ang makikitang nakahanay sa labas ng ospital at marami din ang nasugatan.
Nasira rin ang ilang makasaysayang simbahan at lumang gusali sa bayan ng Sogod, habang sa Cebu City, may mga bitak at pagbagsak ng bahagi ng mga hotel, mall, at gusali.
Sa Sogod, nahirapan ang mga rescuers sa pagkuha ng bangkay ng isang 67-anyos na residente matapos matabunan ng malaking bato ang kanilang bahay.
Dahil sa lawak ng pinsala, isinailalim na ang lalawigan ng Cebu sa state of calamity. Naglabas din ng advisory ang Archdiocese of Cebu, na pansamantalang ipinagbabawal muna ang paggamit ng mga simbahan sa hilagang Cebu hangga’t hindi pa natitiyak ang kanilang kaligtasan. Kabilang sa matinding naapektuhan ang Archdiocesan Shrine of Santa Rosa de Lima sa bayan ng Daanbantayan.
Epekto sa Ibang Rehiyon
Sa Iloilo City, lumabas ng kanilang mga yunit ang mga residente ng isang condominium sa Jaro matapos maramdaman ang pagyanig. Naantala rin ang isang burol na ginaganap sa simbahan.
Sa Bicol Region, naramdaman din ang lindol, at naiulat ang pagsiklab ng isang transformer sa bayan ng Oas.
Sa ulat ng Phivolcs, mahigit sa 600 aftershocks ang naitala.
Isinailalim narin sa yellow alert ang Visayas power grid mula 1 p.m. hanggang hatinggabi nitong Oktubre 1, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Ipinatupad din ang suspensyon ng klase at trabaho sa maraming lugar bilang pag-iingat.

