Liza1

Liza gusto maging int’l star kaya umalis sa Careless

Vinia Vivar Oct 16, 2024
116 Views

Nagsalita na si Liza Soberano sa dahilan kung bakit siya umalis sa pangangalaga ng Careless Music ni James Reid.

Matatandaang inanunsyo mismo ng Careless last month na naghiwalay na sila ng landas ni Liza at kinumpirma rin ito mismo ni James sa isang panayam.

Ayon kay James, ang aktres mismo ang nagdesisyong umalis sa kanyang management at maayos daw ang kanilang paghihiwalay.

Sa latest interview ni Liza sa isang magazine, sinabi niya na nagpapasalamat siya kay James at sa dating business partner ng aktor na si Jeffrey Oh dahil nag-grow siya as an artist because of them.

“Through James and Jeff, I was able to find my voice as a woman in entertainment and grow as an artist and entrepreneur in ways I could’ve never imagined,” pahayag ni Liza.

Kung bakt siya nagdesisyong iwanan ang Careless, sey ni Liza, “Careless’ focus has always been on music. The goal was always to build my own team and gradually shift to more international opportunities.”

Liza is now being managed by Tranparents Arts in the U.S.

Ito ang tumulong sa kanya para makuha niya ang role sa Hollywood film na “Liza Frankeinstein.”

Pumirma rin siya sa artist agency na Verve a few months ago.

Sylvia Sanchez may offer tumakbo sa QC sa 2025 elections

Kinumprima ni Sylvia Sanchez na may offer sa kanya na tumakbo sa 1st district ng Quezon City sa 2025 elections.

Ito ang dahilan kung bakit nagkaroon ng tsika na papasok din siya sa politika tulad ng kanyang anak na si Arjo Atayde.

“Honestly, hinihikayat akong tumakbo ng district 1 as councilor,” ani Ibyang nang makausap namin sa mediacon para sa ipino-produce niyang first major concert ni Juan Karlos Labajo.

“Kinukuha talaga ako. Ang tao talaga ang lumalapit. Kasi nandu’n naman ako, eh. Nakaagapay kay Cong. Arjo,” patuloy niya.

Pero hindi raw muna this coming election.

“Pero ‘wag muna. I’m not closing my door. Who knows, later on. But not this election. Kailangan, ang gusto ko, ‘pag tumakbo ako, ready ako,” she said.

Kung sa pagtulong ay tumutulong naman daw siya sa mga tao. Pero ang ibig niyang sabihin by ready ay ‘yung may sapat na siyang kaalaman sa batas.

Balak daw niyang mag-aral muna at ‘pag ready na siya ay saka siya sasabak sa politika.

Sa ngayon ay magko-concentrate muna si Sylvia sa pagpo-produce ng teleserye, pelikula at concert under Nathan Studios na pag-aari ng kanilang pamilya.

Tulad nga nitong “juan karlos Live” concert ni JK na gaganapin sa Nov. 29 sa Mall of Asia Arena.

Ito ang first big concert na ipo-produce nila at naniniwala siyang it’s about time na magkaroon na rin ng malaking concert ang aktor/singer.

Noon pa ay bilib na siya sa husay ni JK bilang singer kaya talagang hindi niya ito tinigilan hanggang hindi pumapayag sa kanyang offer na big concert.

In the future ay marami pang proyektong gagawin ang Nathan Studios para makatulong sa local artists at workers sa industr.