liza

Liza, ipa-prioritize ang baby pagbaba sa pwesto

Vinia Vivar Feb 23, 2022
329 Views

Dahil magpapalit na nga ng administrasyon, handang-handa na si FDCP (Film Development Council of the Philippines) Chairperson Liza Diño-Seguerra na mag-step down sa kanyang posisyon.

As we all know ay co-terminus ang mga cabinet members ng bansa sa ating Presidente.

Ngayon pa nga lang ay marami na ang nalulungkot dahil talaga namang hindi matatawaran ang nagawa ni Chair Liza bilang head ng FDCP.

Sa limang taon niyang pag-upo sa nasabing posisyon ay non-stop na trabaho ang kanyang ipinamalas.

Kahit nga ngayong pababa na siya ay tuluy-tuloy pa rin ang kanyang pagtatrabaho at ang inaasikaso naman niya ngayon ay ang upcoming 6th Film Ambassadors’ Night.

Humarap si Liza sa face-to-face and virtual mediacon last Tuesday para sa nasabing taunang event at isa nga sa mga naitanong sa kanya ay kung willing pa rin siyang mag-extend kung ibibigay pa rin sa kanya ang naturang posisyon o gusto na niyang magpahinga at mag-focus sa pagkakaroon ng baby na matagal na nilang pangarap ng mister niyang si Ice Seguerra.

“Of course, Ice and I are always talking about it. If I’d be given the chance to continue, I would love to continue only because I believe na there’s much to be done,” ani Chair Liza.

“In the last five years that I’ve been the chairperson of FDCP, we started with programs na dapat matagal nang nandiyan. Pero hindi tayo nagkaroon ng ganoong klaseng mga programa.

“And now, nakikita natin how this industry is changing so fast. We have to be agile, kailangan ng continuity.

“But of course, you know, I’m always prepared also and open that, you know, if this were to be the end of my term, siguro, ang hinihiling ko lang sa magiging susunod na

FDCP chairs, makita nila ‘yung mga programa na ginawa ng FDCP in the last five years na nag-address sa mga kailangan ng ating filmmakers para lalo silang gumaling sa paggawa ng pelikula, magkakaroon ng access sa funding para mapaganda at ma-improve ang quality ng mga pelikula, at ‘yung mga program natin in terms of promotingPhillipine cinema all over the world,” patuloy niya.

Pero aminado rin naman siyang looking forward na rin siya sa pagbabakasyon.

“Oo naman. I mean, ang dami na mga plano namin ni Ice, ng pamilya namin na medyo naisantabi dahil dito. So, anuman, whether I stay or talagang this is the end of my term, I will accept it wholeheartedly,” she said.

Ano ang unang-una niyang gagawin pag natapos na ang termino niya?

“’Yung plans namin for the baby. Ipa-prioritize na namin,” she said.

Samantala, ang 6th Film Ambassadors’ Night ay gaganapin sa Feb. 27, 2022 sa Metropolitan Theater.

Sa nasabing mediacon ay inanunsyo ng FDCP ang mga pangalan ng mga tatanggap ng mga espesyal na parangal – ang Camera Obscura Artistic Excellence Award at Gabay ng Industriya Award.

Igagawad kay John Arcilla ang Camera Obscura Artistic Excellence Award para sa pelikulang On The Job: The Missing 8.

Ang naturang parangal ay pinakamataas na pagpupugay na ipagkakaloob ng FDCP sa mga film worker o proyekto na nagpamalas ng bukod-tanging husay at umani ng tagumpay sa labas ng bansa noong 2021.

Ipagkakaloob naman ang Gabay ng Industriya Awards sa mahusay na aktres na si Rosa Rosal (Ilaw ng Industriya) at dating producer na si Jesse Ejercito (Haligi ng Industriya).

Bukod dito, pararangalan din sa Film Ambassadors’ Night 2022 ang 77 honorees na mga pelikula, filmmakers at mga aktor na kinikilala sa iba’t ibang international film festivals noong nakalipas na taon.

Ang taunang Film Ambassadors’ Night, sa pakikipagtulungan ng National Commision for Culture and the Arts (NCCA), ay isang gabi ng pagtitipon at pagdiriwang ng mga film worker na sinimulan noong 2016.

Dahil sa pandemya, ginawang virtual ang pagtitipon last year.
Ang selebrasyon ngayong taon ay nagbabalik bilang isang eksklusibong in-person event para sa mga honoree.