Tulfo

Loan sharks na tumatanggap ng 4P cash card binalaan ni Tulfo

179 Views

BINALAAN ni Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo ang mga loan shark na tumatanggap ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) cash cards kapalit ng pagpapautang sa mga benepisyaryo.

Iginiit ni Tulfo na bawal isangla ang cash card at maaari umanong makulong ang mga tumatanggap dito.

Sinabi ni Tulfo na umaabot sa 20 hanggang 40 porsyento ang tubo na hinihingi ng mga nagpapa-utang.

“Labag po sa batas ‘yan and they are charging like 20 to 40% doon sa kabuuan makukuha so nababawasan ng halos 40 percent ‘yung monthly assistance ng gobyerno sa kanila. You could end up in jail ‘pag nahuli namin kayo, kayong mga loan shark,” sabi ni Tulfo sa panayam sa telebisyon.

Nauna ng sinabi ni Tulfo na halos 1 milyon na ang mga 4Ps beneficiaries na kanilang aalisin sa listahan dahil hindi kuwalipikado ang mga ito. Ang kanilang slot ay ibibigay umano sa mga lubos na nangangailangan.