Top Ang memorandum of agreement para sa ‘Tara, Nood Tayo’ infomercial ay nilagdaan sa pagitan ng Presidential Communications Office, Office of the Executive Secretary, Philippine Information Agency at Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Locally produced pelikula, TV shows palalakasin ng Palasyo

Chona Yu Nov 13, 2024
55 Views

Top1Top2PALALAKASIN pa ng Palasyo ng Malakanyang ang pagtataguyod sa mga locally produced na pelikula at palabas sa telebisyon sa bansa.

Ito ay matapos lagdaan ang memorandum of agreement sa pagitan ng Presidential Communications Office, Office of the Executive Secretary, Philippine Information Agency at Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Isang infomercial na “Tara, Nood Tayo!” ang inilunsad na magtataguyod sa Bagong Pilipinas campaign.

Layunin ng “Tara, Nood tayo!” infomercial ay naglalayong mahikayat ang publiko partikular ang mga nakatatanda na magabayan ang kanilang mga anak para sa responsableng panonood na ipinalalabas sa telebisyon.

Layunin din ng ilalabas na infomercial na makumbinsi ang mga Filipino na mas tangkilikin at panoorin ang locally produced na pelikula at mga Filipino na television shows.

Ipalalabas ang infomercial sa mga sinehan bago magsimula ang pelikula at sa telebisyon.

Ito rin ay ia-upload sa mga social media platforms, digital media, at tradisyunal na broadcast media.