Calendar

Lokal na opisyla. ng Davao Or. nagpahayag ng suporta kay Lapid
NAGPAHAYAG ng buong suporta kay Senador Lito Lapid sa kanyang reelection bid ang mga lokal na opisyal ng Davao Oriental.
Sa isang pulong sa Mati City nitong Pebrero 16, sinabi nina Davao Oriental Cong. Nelson “Boy” Dayanghirang at ng kanyang anak na si Vice Gov. Nelson Dayanghirang, Jr., susuportahan nila si Senator Lapid para marami pa siyang matulungan na mahihirap at makapagbibigay pa ng mga proyekto sa kanilang lalawigan.
Todo suporta rin kay Senator Lapid ang iba pang local officials ng Davao Oriental sa pangunguna ni Caraga Mayor Ronie Osnan na presidente rin ng Mindanao Island Cluster ng League of Municipalities of the Philippines.
Bilang dating Vice Chairman ng Senate Committee on Local Government, si Lapid ang isa sa mga nagsulong upang maging siyudad ang Mati. Sa kasalukuyan, siya ang chairman ng committee on tourism sa Senado.
Malapit naman si Lapid sa mga lokal na pamahalaan dahil naging bise gobernador ito ng isang termino, at gobernador ng tatlong termino sa Pampanga.
Matapos ang pulong, sinuyod naman ni Lapid ang commercial at residential areas sa Mati City.
Nauna rito, dinaanan din ng motorcade ni Lapid ang ilang palengke sa Davao City, Tagum City, Davao del Norte
Nagtungo rin si Lapid sa Sta. Cruz, Davao del Sur at nagsagawa ng motorcade sa palengke ng Digos City nitong umaga ng Lunes, Pebrero 17.
Nagpapasalamat si Lapid na tumatakbo para sa kanyang ika-apat na termino sa Senado sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Dabawenyo.