BBM2

Lokal na produkto gusto ni PBBM para sa infra project ng gobyerno

205 Views

NAIS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mga lokal na produkto ang gamitin para sa mga infrastructure project ng gobyerno sa hinaharap.

Sinabi ito ni Pang. Marcos sa kanyang pakikipagpulong sa Private Sector Advisory Council (PSAC) Infrastructure Cluster na pinamumunuan ng negosyanteng si Sabin Aboitiz.

Inatasan ng Pangulo ang Department of Trade and Industry (DTI) upang makipag-ugnayan sa PSAC para sa paglikha ng listahan ng mga construction materials na magagamit sa mga government infrastructure projects.

Inutusan din ni Pang. Marcos ang Department of Budget and Management (DBM), sa pamamagitan ng Government Procurement Policy Board na gumawa rin ng polisiya kaugnay nito.

“We have to match the capacity and the demand. But again, that if you can say that from now on, 100 percent of our – comes from the Philippines, magtatayo ng planta ‘yan but we need to make everything clear, kung AO (Administrative Order) iyan or some other form,” ani Pangulong Marcos.

Suportado ng PSAC ang pagsasagawa pagbibigay ng prayoridad sa paggamit ng mga lokal na materyales sa mga proyekto.

“Our advocacy is really to promote our buy local, Filipino-made products for Filipinos … it’s just fair for our government to take the lead, sir, in also patronizing our own locally-made products,” dagdag pa ni Aboitiz.

Kasama sa pagpupulong sina Joanne De Asis, Manuel V. Pangilinan, Eric Ramon O. Recto, Enrique K. Razon, Ramoncito S. Fernandez, PSAC Infrastructure-Water SME, Daniel C. Aboitiz, PSAC Infrastructure-Energy SME at Reinier H. Dizon, President, Cement Manufacturers.