Lola NASA BINGIT–Inoobserbahan ng mga doktor ang lola na biktima ng aksidente sa Parola compound sa Tondo, Maynila. Kuha ni Jon Jon Reyes

Lola nasalpok ng trak habang tumatawid sa Paco, agaw-buhay

Jon-jon Reyes Aug 18, 2024
28 Views

AGAW-buhay ang 65-anyos na lola matapos masagasaan ng trailer truck habang tumatawid sa Parola compound sa Tondo, Maynila noong Sabado.

Residente ng Area H. Parola St., Brgy. 275, San Nicolas, Parola, Tondo Manila ang biktima na si lola Salvacion, ayon kay Police Major Anthony Olgado, hepe ng Manila District Traffic Enforcement Unit.

Sa imbestigasyon ni PSSg Jefferson Joshua Bautista, naganap ang insidente bandang alas-5:30 ng hapon nang mahagip ng Freightliner Tractor (ABD 2573) na minamaneho ni Eduardo Gonzalez, 57, ang kawawang lola.

Binabagtas ng truck ang eastbound lane ng access road sa Tondo at pagsapit nito sa harap ng Gate 20 tumama ang harap ng truck sa biktima na noo’y tumatawid.

Nasagasaan ng kanang gulong sa unahan ng truck ang lola kaya nagtamo ng malubhang pinsala at dinala sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center.