Lapid

Lolit di pabor sa relasyong Lorna at Lito

Vinia Vivar Jun 7, 2024
93 Views

Tasahang sinabi ng veteran showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis na hindi siya pabor sa relasyong Lorna Tolentino at Sen. Lito Lapid.

Matatandaan na si ‘Nay Lolit din ang nagbuking kamakailan sa Instagram na nagpapalipad-hangin o nanliligaw ang action star sa alaga niyang si LT.

“Naku, ‘Day, sabi ko sa kanya (LT), ‘lagi mong isipin, galing ka kay Rudy Fernandez na mas mataas ang level. Kaya dapat, pag pipili ka, dapat ka-level din ni Rudy,’” sey ng manager ni Lorna nang makatsikahan namin recently.

So, in short, hindi siya pabor?

“Hindi, no!” agad na sagot ni ‘Nay Lolit.

Ang siste, tila nililigawan din ni LL si ‘Nay Lolit dahil pinadalhan umano siya ng envelope nu’ng birthday niya.

“’Day, ang tagal-tagal nang artista ni Lito Lapid, ngayon lang ako binigyan ng birthday gift,” sabi pa niya.

Parang inspirasyon lang daw naman for LT ang diumano’y panliligaw ni LL.

“Ano lang ng babae, ‘yung parang inspirasyon, ‘yung ipagmamalaki mo, ‘may nanliligaw pa rin sa ‘kin kahit na ganito na ang edad ko,’ parang ganu’n. Parang inspirasyon lang,” sabi pa ng talent manager.

Well, ano kaya ang masasabi ni LT at ni Sen. Lito sa mga pahayag na ito ni ‘Nay Lolit?

Heart walang sweldo

Nagsimula na nga si Heart Evangelista bilang presidente ng Senate Spouses Foundation Inc. (SSFI) at sey niya, punung-puno ang kanyang schedule ngayon.

“I do plan of course to continue the legacies of all the ladies before me by revisiting some of the projects that they’ve had in the past, making sure that all the infractructures are still okay, what I can do to help, raise funds for them, that’s basically what I need to do,” sey ni Heart in her latest Instagram live session.

“My schedule is also very booked because of that. I have a lot of events,” dagdag niya.

Natutuwa rin siya na supportive ang kanyang mga co-members sa SSFI at handa siyang tulungan especially kapag may trabaho siya.

“I’m very happy that a lot of my fellow spouses will be going to certain places when I have work, they’ll be helping out. We’ll be organizing all of that,” sey ng global fashion icon.

Ayon pa kay Heart, “for the love” lang ang kanyang pagiging presidente ng SSFI, meaning, walang sweldo kaya need pa rin niyang magtrabaho.

“It’s a lot of work but it is ‘for the love’ and I do have to work also. Siyempre, kailangan kong i-continue ‘yung work ko or else, wala akong sweldo. Hindi naman pwedeng wala akong sweldo, I have to work,” aniya.

Sinabi rin niya na wala siyang balak na palitan ang kanyang karera kahit na pumasok na rin siya sa mundo ng politika.