Paolo

Lolit: Paolo ‘walang galang’ sa pera

Vinia Vivar Jun 7, 2024
50 Views

Ibinuking ng veteran showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis na waldas sa pera ang alaga niyang si Paolo Contis kaya hanggang ngayon ay hindi pa ito nakakapundar ng sariling bahay.

“Si Paolo, ‘Day, kaya kami nag-aaway, walang galang sa pera. Basta may hawak na pera ‘yan, waldas talaga. Diyos ko, talagang kayabangan, kung anu-ano ang binibili,” tsika ni Nay Lolit.

Pero isa pa raw dahilan ay maaga kasing nagtrabaho si Paolo at maagang nakatanggap ng malalaking pera.

Besides, nakatira ito sa bahay ng mga magulang kaya okay lang sa aktor na wala siyang sariling bahay.

“Ang kailangan ni Paolo, ‘yung mahusay na partner. ‘Yung takot siya, ginagalang niya, tapos ‘yung susundin niya ‘pag may sinabi sa kanya,” sey pa ng talent manager.

Asked kung ano ang nangyari sa relasyon nina Paolo at Yen Santos na balitang-balitang hiwalay na, sagot ni ‘Nay Lolit, “Baka nagkasawaan na.”

Hirit pa niya, “Pwede silang magkabalikan. Pero si Paolo, parang ‘pagka nakipag-break, parang ayaw na niya talaga.”

Basta sey ng manager, kung saan maligaya si Paolo ay ‘yun ang sundin nito.

“Actually, sa mga nakarelasyon ni Paolo, si Yen, parang masuwerte naman sa kanya. Hindi magulo ‘yung ano niya. Hindi kagaya noon na parang ang gulo ng utak niya. Eh, dito, parang at peace siya,” tsika pa ni ‘Nay Lolit.

Natutuwa siya na hindi nababakante sa trabaho ang aktor.