Rape

Lolo, 62, timbog sa panghahalay

Edd Reyes May 17, 2025
17 Views

ARESTADO ang 62-anyos na lolo na nabistong wanted sa kasong panggagahasa sa Caloocan City noong Biyernes.

Nalaman lamang ng kanyang mga kapitbahay na pugante pala si alyas Lolo Kiko nang isilbi ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Josefino Ligan ang warrant of arrest laban sa kanya sa Mahogany St., Natividad, Phase 4, Brgy, 168.

Natukoy ng Intelligence Section ng District Mobile Force Battalion (DMFB) ng NPD ang kinaroroonan ng akusado sa tulong ng mga impormante makaraan ang ilang araw na paniniktik.

Nahuli siya sa tulong ng warrant of arrest mula kay Caloocan Family Court Presiding Judge Raymundo Vallega ng Branch 130.