Calendar
Lolo, 66, kulong na sa pangmomolestya, inaresto pa sa parehong kaso
INARESTO ng mga pulis noong Huwebes ang 66-anyos na lalaki dahil sa limang counts ng pangmomolestiya sa menor-de-edad na dalagita sa Malabon City Jail.
Nakakulong na ang akusadong si Joseph Sarito ng Hito St., Brgy. Longos noong Nobyembre 8, 2024 sa Caloocan City dahil sa tatlong counts ng lascivious conduct at sexual assault, ayon sa ulat.
Noong Huwebes, muling nakatanggap ng warrant of arrest mula sa Malabon RTC Branch 4 ang mga pulis para sa karagdagang dalawa pang bilang ng kapareho ring kaso laban kay Sarito kaya’t dakong alas-6:10 ng gabi, isinilbi ito sa kanya ng pulisya sa loob ng Malabon City Jail.
Ayon kay P/SSg Honeybelle Data-Labdrador, may hawak ng kaso, aabot sa P400,000 ang dapat na makalap ng akusado bilang piyansa para sa pansamantala niyang paglaya.