Calendar

Lolo, 74, dedo sa 2 bala sa ulo
DEAD-on-the-spot ang 74-anyos na lolo na binaril ng dalawang beses sa ulo ng hindi pa nakikilalang lalaki sa Quezon City noong Huwebes.
Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU- QCPD), bandang alas-5:54 ng hapon nitong ng maganap ang pamamaril sa kanto ng Pelaez at JP Rizal Sts., sa Brgy. Villa Maria Clara, Project 4.
Batay sa imbestigasyon ni P/Cpl Ghino Galit, abala si alyas Paul, isang vendor, nang makarinig ng putok ng baril sa malapit sa kaniyang lugar.
Pinuntahan ng vendor ang pinagmulan ng putok ng baril at doon niya nakita niya ang biktima na duguang nakahandusay sa lupa.
Dumating ang SOCO Team mula sa QCPD Forensic Unit sa pangunguna ni P/CMS Federico Manzano at sa pagsusuri ay nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa ulo ang biktima.
Nakasamsam ang mga awtoridad ng dalawang basyo ng caliber 9mm sa lugar na pinangyarihan ng krimen.