Sunog Ang limang magpipinsan na nasunog sa loob ng isang kwarto bago mag-2025. Kuha ni JONJON C. REYES

Lolo nadurog sa pagkamatay ng 5 apo sa sunog sa Tondo

Jon-jon Reyes Jan 2, 2025
25 Views

KALUNOS-LUNOS ang sinapit ng limang magpipinsan na namatay sa sunog sa Francisco Varona Street sa panulukan ng Malvar,Tondo,Manila Barangay 97, Lunes ng gabi.

Base sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) na pinangunahan ni Fire Senior Supt.Bañaga,team lider, bandang 10:39 p.m. nang sumiklab ang sunog sa naturang lugar sakop ng Manila Police District – Raxabago Police Station 1.

Ayon kay Senior Fire Officer 3, Sergio Pangan Jr., Arson Division ng BFP, dakong 11:25 na ng gabi nang ideklarang patay na ang sunog.

Ang bangkay ng tatlong babae at dalawang lalaki ay nadiskubre sa terrace sa ikatlong palapag.

Salaysay ni Lolo Ghil Aguilar, nito ang isa sa mga apo dahil nakaramdam ng amoy na nasusunog na kuryente.

Pagbukas ng kuwarto sa 2nd floor, agad bumulaga ang apoy at mabilis na kumalat hanggang 3rd floor.

Kuwento pa ni Lolo Ghil, dalawa sa kanyang namatay na apo ay mula sa Cavite at bumibisita lamang ito tuwing Bagong Taon.

Nakipagtulungan ang grupo ng Forensic Unit ng MPD-Scene of the Crimes Operatives ( SOCO) sa pangunguna ni Police Captain Geovanni Bringuez na pangangasiwaan naman ni Fire Senior Supt Bañaga ng BFP