Lolo Ang naarestong lolo na suspek sa frustrated murder matapos saksakin sa dibdib ang biktima na nagpapagaling sa ospital.

Lolo nang-gripo, arestado

Jon-jon Reyes Apr 7, 2025
10 Views

ARESTADO ng mga pulis ng Manila Police District ang 61-anyos na lolo matapos saksakin sa dibdib ang 54-anyos na biktima sa Cunanan St. corner Pag Asa St., Brgy. 183 Tondo, Manila noong Linggo.

Ang suspek nakilala na si alyas Virgilio at ang biktima si alyas Dante na inoobserbahan sa ospital dahil sa saksak sa dibdib.

Bandang alas-7:05 ng gabi ng naganap ang insidente, ayon sa report.

Sa imbestigasyon base sa salaysay ng biktima, nilapitan siya ng suspek at kinompronta siya nito pero nauwi sa mainitang pagtatalo.

Pagkaraan nito, walang pag-aalinlangang bumunot ng kutsilyo ang suspek at sinaksak ang biktima sa dibdib.

Nanlaban ang biktima gamit ang isang piraso ng kahoy kaya tumakas ang suspek patungo sa Juan Luna St. dala ang ginamit na patalim.

Rumesponde ang mga arresting officer na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at pagbawi ng mga ebidensya.