Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Paputok Source: File photo

Lolo nasabugan ng paputok, tepok

58 Views

INIULAT ng Department of Health (DOH) noong Sabado na binawian ng buhay ang isang 78-anyos na lalaki mula Central Luzon matapos masabugan ng paputok.

Kinumpirma ni DOH Assistant Secretary at spokesperson Albert Domingo na sinindihan ng biktima ang isang Judas Belt noong Disyembre 22. Naospital ito dulot ng matinding pinsala sa katawan at pumanaw noong Disyembre 27.

Lumala umano ang kalagayan ng matanda dahil sa mga dati nitong karamdaman.

Samantala, mula alas-6 ng umaga noong Disyembre 28, nakapagtala ang DOH ng 24 bagong kaso ng fireworks-related injuries (FWRIs), na umabot na sa kabuuang 125 kaso.

Mas mataas ito ng 29 porsiyento kumpara sa 97 kaso na naitala sa kaparehong panahon noong 2023.

“Fireworks, even if legal, are dangerous. They are bombs. They explode. They can kill. Avoid fireworks for the sake of our lives,” ani Domingo.

Ayon pa sa datos, 91 kaso o 73 porsiyento ng kabuuang insidente ay dulot ng mga iligal na paputok gaya ng boga, five-star at piccolo.

Sa mga biktima, 75 o 60 porsiyento ang personal na nagsindi ng paputok.

Sa 125 kaso, 114 ang lalaki habang 11 naman ang babae. Pinakamarami sa mga biktima ay nasa edad 19 pababa (102 kaso), habang 23 naman ay 20 taong gulang pataas.

Muling nagpaalala si Domingo sa publiko na umiwas sa paggamit ng paputok at pumili na lamang ng mas ligtas na alternatibo, tulad ng pagpatugtog ng malalakas na musika o paggamit ng torotot sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Kung sakaling masangkot sa paputok, pinapayuhan ang publiko na tumawag agad sa 911 o sa DOH emergency hotline na 1555.