Crime

Lolo pinatay habang kasama ang apo!

26 Views

DEAD on the spot ang isang lolo na sakay ng motorsiklo matapos barilin ng di-kilalang suspek sa Brgy. Escribano, San Juan, Batangas, noong Huwebes.

Ang biktima, ayon sa San Juan town police, ay kinilalang si alias Benjamin, 58, may asawa, residente ng Sitio Ginting, Brgy. Escribano.

Ang di-kilalang suspek ay nakasuot ng puting shirt, itim na jacket, may sukbit na brown sling-bag at minamaneho ang isang Suzuki Smash motorcycle,

Ayon sa imbestigasyon kasama ng biktima ang kanyang apo at patungo sila sa Brgy. Poblacion nang tambangan bandang ala-1:00 ng ng umaga ng Mayo 2, 2024.

Pagdating umano sa lugar ng insidente, biglang lumapit ang isang di-kilalang lalake na naka-motorsiklo at itinanong ang bahay ng Brgy. Captain ng nasabing Barangay.

Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang binaril ng suspek ang biktima ng dalawang beses na nagresulta sa agaran nitong kamatayan.

Tumakas ang suspek patungo sa Brgy. Talahiban, San Juan, sakay ng kanyang motorsiklo.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang basyo ng bala para sa Cal. 45.

Hindi sinabi sa report kung nasaktan ang kasamang apo.

Nagsagawa ng follow-up operation ang mga kapulisan para sa posibleng pagkakakilanlan at pagdakip sa suspek.