Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Golf3 Ang mga nanalo sa 8th Ssmahang Plaridel Golf 2024, sa pangunguna nina Larry Loteyro ng ActionLabs, at Fernando Jun Cabitac ng Rizal. Photo by Ernie Sarmiento

Loteyro, Cabitac nagpakitang gilas sa Plaridel golfest

Ed Andaya Nov 28, 2024
127 Views
Golf4
PSC Chairman Richard Bachmann sa kanyang ceremonial tee-off.
Photo by Ernie Sarmiento

NAGPAKITANG gilas si Larry Loteyro upang masungkit ang korona sa 8th Samahang Plaridel golf championships sa Villamor Air Base Golf Club sa Pasay City kamakailan.

Nagtala si Loteyro, na kumatawan sa pangunahing IT services provider ActionLabs, ng low gross score na 78 upang makamit ang kampeonato sa prestihiyosong event na itinaguyod ng Association of Philippines Journalists Samahang Plaridel Foundation, Inc, sa pakikipagtulungan ng PAGCOR, PCSO, San Miguel Corporation. Philippine Sports Commisison at JD Legaspi Construction.

Nanguna sina PSC Chairman Richard Bachmann at PCSO Chairman Felix Reyes sa ceremonial tee-off, kasama sina APJ-Samahang Plaridel president Evelyn Quiroz, Atty. Ric Diaz ng NBI at Engr. Mike Marquez.

Si Quiroz din ang nag-abot ng mga tropeo at iba pang mga prizes sa mga pangunahing kalahok, katuwang si Samahang Plaridel Vice President Andy Sevilla.

Nakahati sa karangalan si Rizal Provincial Board member Fernando Jun Cabitac, na nagwagi ng low net championship sa kanyang 80 at longest putt sa Hole No. 18.

Ang iba pangmga nanalo sa kumpetisyon na sinuportahan din nina House Speaker Martin Romualdez, Rizal Park Hotel, Construction Workers Solidarity (CWS) Partylist, at Philippine Airlines ay sina Jojo Castro bilang Class A champion na may gross score na 78 at Christian Adrenida na Class A runner-up sa iskor na 82; Emmanuel Delima bilang Class B champion sa kanyang 91 at Don Lerit na Class B runner-up sa 91; at Mark Reyes bilang Class C champion na may 101 (72) at Reuben Terrado na Class C runner-up na may 100 ( l73).

Ang iba pan gmga naguwi ng special awards ay sina Jun Engracia, Nearest to the Pin sa No. 12 (17 feet); Jun Hyun Park , Longest drive sa No. 18 (290 yards); and Delima, Most Accurate Drive sa No 9 (seven inches).

Ang iba pang mga tagapagtaguyod ng naturang fund-raising event ay sina Senate President Chiz Escudero, Sen.Win Gatchalian, Cong. Ace Barbers, Cong. Erwin Tulfo, Cong. Salvador Pleyto, Cong. Mike Defensor, Sec. Benhur Abalos, Mayor Isko Moreno, Meycauayan Mayor Henry R. Villarica, Sta. Rosa City, Laguna Mayor Arlene Arcillas, Gov. Abdusakur Mahail Tan, Apat Dapat Partylist, ICTSI, Basic Environmental Systems and Technologies, Inc., Starpay Corporation, Metro Pacific Investment, Metro Tollways Corporation, SOGO Hotel, Go For Gold, Actionlabs, Hatasu, SylPaulJoyce, Luxuriant Automotive Group, Suzuki, Isuzu, Grab, JBL, Blade, Autohub, BCDA, Clean Fuel, Gateway, Autobot, Subaru at Honda.

Naging mga hole-in-one sponsors ang Jetour, Autohub at Junior Golf Foundation of the Philippines habang media .partners ang Manila Standard at Market Monitor.