FIBA FIBA Hall of Fame Class of 2023. FIBA photo

Loyzaga iluluklok sa FIBA Hall of Fame

Robert Andaya Aug 11, 2023
236 Views

HINDI lang basketball ang aabangan sa darating na FIBA Men’s Basketball World Cup 2023 ngayong buwan.

Itatampok din ang pinakahihintay na FIBA Hall of Fame Ceremony ngayong Aug.23, dalawang araw bago ang formal opening sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Kabilang sa mga pararangalan ang

Filipino basketball legend na si Caloy “The Big Difference” Loyzaga, na itinuturing sa kasaysayan na pinakamagaling na basketball player sa buong bansa.

Isang two-time Olympian, si Loyzaga ay ma-induct posthumously

Maaalala ng mga fans si Loyzaga sa pangunguna sa Pilipinas sa historic bronze medal finish nito nung 1954 FIBA World Championship sa Rio de Janeiro, Brazil

Naging bida din siya sa Philippine national team, na lumahok sa 1952 Helsinki Olympics, na kung saan pumang-siyam ang bansa; at 1956 Melbourne Olympics, na kung saan naman pumang-pito ang mga Pinoy.

Dalawa sa mga makakasama ni Loyzaga ang higanteng si Yao Ming ngChina, na naglaro sa Houston Rockets sa NBA; at
double Olympic champion Katrina McClain.

Ayon sa FIBA, ang naturang ceremony ay gagawing bukas sa publiko sa ķauna-unahang pagkakataon para bigyan sila ng oportunidad na mapanood ang induction ceremony.

Ang mga basketball fans, lalo mga tagahanga ni Loyzaga, ay maaaring makakuha ng seats para sa ceremony sa ticketing platform na:
(https://us. givergy. com/fibahalloffame).

Lahat ng kikitain sa ticket sales ay ibabahagi naman sa Basketball For Good projects ng FIBA Foundation.