Garbage

LP pinabasbasan mga bagong garbage compactor trucks

Edd Reyes Nov 16, 2026
4 Views

PINABASBASAN ng Las Piñas ang 11 bagong garbage compactor trucks sa city hall grounds bilang bahagi ng pagpapalakas ng waste management at Clean and Green Program ng lungsod.

Ayon kay Mayor April Aguilar, ang mga bagong sasakyan ay may hydraulic mechanism na kayang magsiksik ng maraming basura.

Sa kabuuan, may 60 garbage compactor trucks ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) na patunay ng seryosong kampanya sa pagpapanatili ng kalinisan ng lahat.

Si Mayor Aguilar ang nanguna sa seremonya kasama si Vice Mayor Mel Aguilar, mga konsehal at mga pinuno ng iba-ibang tanggapan ng lungsod.