PAGASA

LPA naging bagyo na—PAGASA

126 Views

NAGING isa ng bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Binigyan ng local name na Maymay ang bagyo na namataan may 300 kilometro ang layo sa silangan ng Casiguran, Aurora.

Ang bagyo ay umuusad ng patimog kanluran sa bilis na 10 kilometro bawat oras.

Mayroon itong hangin na umaabot sa 45 kilometro bawat oras ang bilis malapit sa gitna at pagbugsong may bilis na 55 kilometro bawat oras.

Kung hindi magbabago ang direksyon at bilis ay posibleng mag-landfall ang bagyo sa Central Luzon sa Huwebes at lalabas sa West Philippine Sea.

Inaasahan naman na hihina ito kapag nasa kalupaan at maaaring maging LPA na lamang.