PAGASA

LPA naging bagyong Chedeng

248 Views

NAGING isang bagyo na ang binabantayang low-pressure area (LPA) ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Tinawag itong bagyong Chedeng na ang lokasyon ay 1,170 kilometro sa silangan ng Southeastern Luzon.

Umaabot sa 45 kilometro bawat oras ang bilis ng hanging dala ng bagyo at may 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna. Halos hindi ito umaalis sa kanyang posisyon, ayon sa PAGASA.

Bagamat inaasahan na lalong lalakas, maliit naman umano ang tyansa na ito ay dumaan sa lupa.

Inaasahan din na palalakasin ng bagyo ang hanging habagat na magpapa-ulan sa bansa sa susunod na tatlong araw.