PAGASA

LPA sa loob ng PAR posibleng maging bagyo

200 Views

ISANG low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang posible umanong maging bagyo.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) anf LPA ay nasa layong 790 kilometro sa Hinatuan, Surigao del Sur at nakapaloob sa Intertopical Convergence Zone (ITCZ) na nakakaapekto sa Palawan, Visayas, at Mindanao.

Posible umanong tumbukin ng LPA ang Eastern Visayas o dumeretso ang pagtaas nito sa Northern Luzon.