Calendar

Motoring
LTFRB binuksan biyahe ng bus mula PITX hanggang Davao City
Peoples Taliba Editor
Jun 15, 2022
370
Views
BINUKSAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ruta ng bus mula Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) patungong Davao City.
Araw-araw tuwing alas-2:30 ng hapon ay aalis ang bus patungong Davao City.
Nagkakahalaga ng P3,680 ang pamasahe kasama na ang bayad sa roll-on, roll-off (RoRo) o ferry ride para makatawid ng isla.
Hihinto ang mga bus sa Turbina/Sto. Tomas/Laguna, Quirino Meal Place, Naga Terminal, Sorsogon/Matnog, Allen/Samar, Tacloban, Sogod/So. Leyte, Liloan, Surigao, Kitcharao, Butuan, San Francisco, Monkayo, at Tagum bago makarating sa terminal sa Davao City.
Tatagal umano ng tatlong araw at dalawang gabi ang biyahe. May haba itong 1,500 kilometro.
Vivencio Dizon itinalagang bagong kalihim ng DOTR
Feb 13, 2025
Mabigat na parusa vs lasing na drayber, suportado
Jan 21, 2025
22 drayber huli ng LTO sa paggamit ng kalbong gulong
Jan 11, 2025